Laguna nakapagtala ng apat na sunod na panalo sa PCAP

Laguna nakapagtala ng apat na sunod na panalo sa PCAP

Laguna nakapagtala ng apat na sunod na panalo sa PCAP

Laguna nakapagtala ng apat na sunod na panalo sa PCAP

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

MANILA, Philippines---Naiposte ng Laguna Heroes ang 17-4 victory kontra sa Palawan Queen's Gambit Sabado ng gabi, Oktubre 9, 2021 sa third conference Professional Chess Association of the Philippines virtually na ginanap sa Chess.com Platform.


Suportado ng Greatech Philippines, Inc., SDC Global Choice, Jolly Smile Dental Clinic, KALARO at ng Rotary Club of Nuvali, giniba ng Laguna Heroes ang Palawan Queen's Gambit sa blitz game sa pamamayagpag nina 2-time Asian Junior champion Grandmaster Rogelio "Banjo" Barcenilla Jr., Fide Master Austin Jacob Literatus, Fide Master Jose Efren Bagamasbad, Grandmaster John Paul Gomez at Vince Angelo Medina.
Nagpatuloy ang pananalas ang Heroes matapis pasukuin ang Queen's Gambit sa rapid play sa pagtala ng panalo nina Barcenilla, Literatus, Bagamasbad, Gomez, Medina at Kimuel Aaron Lorenzo.
Dahil sa natamong tagumpay ay naitulak ng Laguna ang ika-apat na sunod na panalo para makapuwersa sa four-way tie sa Northern Division at makasama sa unahang puwesto ang San Juan, Pasig at Manila.
"We are happy for having a fine start in the 2nd round. Scoring 4 straight wins is a big motivation to us." sabi ni Arena Grandmaster Dr.Fred Paez, isa sa apat na co-team owner ng Laguna Heroes na kinabibilangan nina Mr. David Nithyananthan ng KALARO, Engr. Benjamin Dy ng SDC Global Choice at Engr. Jonathan Mamaril ng Oregon, USA.
Una pinatumba ng Laguna ang Surigao, 13.5-7.5, habang nadapa ang Palawan sa Pasig, 2.5-18.5.
Samantala ay magsalo sa liderato ang Singapore at Paralympics sa Southern Division na may undefeated record four straight wins.
Makikita sa larawang ito ay si 2-time Asian Junior champion Grandmaster Rogelio "Banjo" Barcenilla Jr. at Vince Angelo Medina