MANILA, Philippines---Tinalo ni Grandmaster Rogelio "Banjo" Barcenilla Jr. si National Master Edsel Montoya sa rapid duel para pangunahan ang Laguna sa 14.5-6.5 victory sa Lapu-Lapu City sa third conference Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) Miyerkoles, Oktubre 6, 2021 virtually na ginanap sa Chess.com Platform.
Si Barcenilla na naghari sa last two Battle of the Grandmasters ay pinasuko si Montoya sa 55 moves ng English Opening para pangunahan ang Heroes sa second win sa pagsisimula ng second round.
Nabaon naman ang Lapu-Lapu City Naki Warrios sa 0-2.
“GM Banjo’s play was always razor-sharp, rational and brilliant.” sabi ni Arena Grandmaster Dr.Fred Paez, isa sa apat na co-team owner ng Laguna Heroes na kinabibilangan nina Mr. David Nithyananthan ng KALARO, Engr. Benjamin Dy ng SDC Global Choice at Engr. Jonathan Mamaril ng Oregon, USA.
Kasama din sa nagtala ng panalo sa Laguna na suportdao ng Greatech Philippines, Inc., SDC Global Choice, Jolly Smile Dental Clinic, KALARO at Rotary Club of Nuvali ay sina Grandmaster John Paul Gomez, Fide Master Jose Efren Bagamasbad at Candidate Master Arjie Bayangat.
Kinaldag ni Gomez si National Master Elwin Retanal sa 42 moves ng French defense, namayani si Bagamasbad kay National Master Lincoln Yap sa 38 moves ng French defense habang na checkmated ni Bayangat si Bryle Arellano sa 41 moves ng London System Opening.
Habang tabla naman si Michella Concio kontra kay Woman International Master Bernadette Galas sa 31 moves ng Sicilian defense at hati din ng puntos si Kimuel Aaron Lorenzo kontra kay Allan Pason sa 32 moves ng English Opening.
Napalaban naman ng husto si Michael Joseph Pagaran para sa Lapu-Lapu City sa rapid event matapos payukuin si Vince Angelo Medina sa 61 moves ng Trompovsky Opening.
Ayon kay AGM Fred Paez ay panalo ang Laguna Heroes sa Lapu-Lapu City Naki Warrios, 4.5-2.5, sa blitz format at 10-4 victory din sa rapid play.
Una dito ay winasiwas ng Laguna ang Negros, 14.5-6.5, habang nadapa naman ang Lapu-Lapu City sa Pasig, 5-16.
Sa iba ang second-match results ay panalo ang San Juan sa Negros, 14-7, ungos ang Pasig sa Surigao, 11-5-9.5, binasura ng Manila ang Palawan, 15-6, lusot ang Isabela sa Toledo, 11.5-9.5, pinatiklop ng Caloocan ang Camarines, 16.5-4.5, dinurog ng Rizal ang Mindoro, 15-6, namayani ang Olongapo sa Penang, 11.5-9.5, sinipa ng Singapore ang Pengcheng, 19-2, umibabaw ang Paralympic sa Bangkok, 12.5-8.5,pinasuko ng Davao ang Sunrays, 15.5-5.5, at panalo ang Iloilo sa Pampanga, 16.5-4.5.
Sa iba pang key matches sa first matches ng evening’s double-header ay panalo ang San Juan sa Iloilo, 15-6, tinalo ng Manila ang Surigao, 12-9, nakaligtas ang Isabela sa Palawan, 13-8, namayani ang Caloocan sa Toledo, 14.5-6.5, giniba ng Camarines ang Rizal, 12-9, binigo ng Mindoro ang Olongapo, 13-8, dinurog ng Penang ang Pengcheng, 18-3, ungos ang Singapore sa Bangkok, 12.5-8.5, winasiwas ng Paralympic ang Davao, 14-7, at panalo ang Pampanga sa Sunrays, 14-7.