Barcenilla, Bagamasbad nanguna sa Laguna para talunin ang Caloocan sa PCAP chess tilt

Barcenilla, Bagamasbad nanguna sa Laguna para talunin ang Caloocan sa PCAP chess tilt

Barcenilla, Bagamasbad nanguna sa Laguna para talunin ang Caloocan sa PCAP chess tilt

Barcenilla, Bagamasbad nanguna sa Laguna para talunin ang Caloocan sa PCAP chess tilt

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

MANILA, Philippines---Pinangunahan nina Grandmaster Rogelio "Banjo" Barcenilla Jr. at Fide Master Jose Efren Bagamasbad ang Laguna Heroes sa pagtarak ng 11-10 victory kontra sa koponan ni International Master Paulo Bersamina na Caloocan Loadmanna Knights sa third conference Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) online tournament virtually na ginanap sa Chess.com Platform Miyerkoles, Setyembre 22, 2021.


Si Barcenilla, ang many-time Battle of the GMs champion ay giniba ang fellow Olympiad veteran Bersamina sa 55 moves ng King's Indian defense, Gligoric System habang si Bagamasbad ay namayani kay International Master Domingo Ramos sa 34 moves ng King's Indian defense, Four Pawns Attack variation para ihatid ang Heroes sa pagsalo sa 2nd place kasama ang Pasig City King Pirates na may identical 4-1 win-loss records na nasa likuran ng nangungunang San Juan Predators (5-0).
"The Laguna Heroes started the day with a stellar outing against Rizal Batch Towers, 16.5-4.5, and finished the day with another win against Caloocan Loadmanna Knights, 11-10, " sabi ni Arena Grandmaster Dr.Fred Paez, isa sa pat na co-team owner ng Laguna Heroes na kinabibilangan nina Mr. David Nithyananthan ng KALARO, Engr. Benjamin Dy ng SDC Global Choice at Engr. Jonathan Mamaril ng Oregon, USA.
Nabaon ang Loadmanna Knights sa 1-4 mark sa Northern Conference kasama ang Olongapo Rainbow Team 7, Cavite Spartans at Cagayan Kings.
Sa kanilang blitz encounter ay nakapagtala ng 5-2 victory ang Loadmanna Knights kay nagtrabaho ng husto sina Barcenilla at Bagamabad para dominahin ng Heroes ang rapid phase, 9-5, tungo sa tagumpay.
Nag-ambag din ng puntos sa Laguna ay sina Grandmaster John Paul Gomez, Fide Master Austin Jacob Literatus, Kimuel Aaron Lorenzo at Vince Angelo Medina.
Tinalo ni Gomez si Fide Master Nelson Villanueva sa 40 moves ng Slav defense, tabla si Literatus kay International Master Jan Emmanuel Garcia sa 62 moves ng Ruy Lopez Opening, draw si Lorenzo kay International Master Barlo Nadera sa 35 moves ng French defense habang draw din si Medina kay Paul Sanchez sa 86 moves ng Caro-Kann defense.
Naitala naman ni Woman National Master Arvie Lozano ang full point sa Loadmanna Knights sa rapid competition matapos manaig kay Michella Concio sa 61 moves ng Italian Game.
Suportado ng Greatech Philippines, Inc., SDC Global Choice, Jolly Smile Dental Clinic, KALARO at ng Rotary Club of Nuvali, ang Laguna Heroes ay panalo din sa Rizal Batch Towers, 16.5-4.5.
Ang iba pang fifth-match results ay nasilayan din ang Manila naka ungos sa Rizal, 11.5-9.5, San Juan dinaig ang Cavite, 16-5, Isabela ginupo ang Cagayan, 13.5-7.5, at panalo ang Pasig sa Olongapo 17-4.
Susunod na makakalaban ng Heroes ang Cagayan Kings at Cavite Spartans sa Sabado.
Samantala ay naikamada ng defending champion Iloilo Kisela Knights ang ika-5 sunod na panalo matapos maitaray ang similar 18.5-2.5 victories kontra sa Camarines Soaring Eagle at Cebu City Machers sa Southern Conference.
Kumuha naman ang Negros Kingsmen ng bye sa fourth match kasunod ng panalo kontra sa Palawan Queen's Gambit, 19.5-1.5, tungo sa ika-4 na sunod na tagumpay.
Pinangunahan nina Grandmaster Rogelio "Banjo" Barcenilla Jr. at Fide Master Jose Efren Bagamasbad ang Laguna Heroes sa pagtarak ng 11-10 victory kontra sa koponan ni International Master Paulo Bersamina na Caloocan Loadmanna Knights sa third conference Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) online tournament virtually na ginanap sa Chess.com Platform Miyerkoles, Setyembre 22, 2021.