NM Robert Arellano nanguna sa CRCSA team sa 1st victory sa N1 IIEE National Chess Olympiad 2021

NM Robert Arellano nanguna sa CRCSA team sa 1st victory sa N1 IIEE National Chess Olympiad 2021

NM Robert Arellano nanguna sa CRCSA team sa 1st victory sa N1 IIEE National Chess Olympiad 2021

NM Robert Arellano nanguna sa CRCSA team sa 1st victory sa N1 IIEE National Chess Olympiad 2021

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

MANILA, Philippines---Pinatunayan ni National Master at Engineer Robert Arellano na unstoppable siya sa top board matapos pangunahan ang IIEE Central Region Chapter Saudi Arabia (CRCSA) sa 1st victory sa N1 Institute of Integrated Electrical Engineers of the Philippines, Inc. (IIEE) National Chess Olympiad 2021 virtually na ginanap sa Lichess.org Platform nitong Setyembre 17, 2021.


Ginulat ng IIEE Central Region Chapter Saudi Arabia (CRCSA) ang top seed IIEE Metro South 18-14 kung saan si CRCSA NM Arellano ay nag marka ng 7 of possible 8 points.
Sa iba pang Bracket A results, panalo ang IIEE Cagayan de Oro (CDO) kontra sa IIEE Iloilo 20-12 tampok si CDO new player Jemuel Calo na lead all scorer na may 7 habang namayani din ang Defending Champion IIEE Southern Laguna (SLC) sa IIEE Northern Cavite 19-12 na nasilayan si new comer SLC Jeremiah Nolasco na may 7 points.
Sa Bracket B highlights ay bida si Fideldia Joash sa pag-ungos ng IIEE Camarines sa Cebu 17- 6; umibabaw din ang IIEE Metro Central sa Visayas 10- 8 at panalo via default ang Southwest Mindanao kontra sa AUH-UAE.
Nakitaan sa Bracket C ang IIEE Metro West at Southern Tagalog na napuwersa sa 16-16 tabla kung saan ang kani-kanilang board 1 na sina Apollo Zantua at Vincent Palmiery ay nauwi sa tabla ang laban at kapwa naka ipon ng tig 7 points; nirendahan naman ang IIEE Bulacan ni NM Dennis Gutierrez para kalusin ang Bahrain 17-15 habang ang IIEE Metro East na may complete players giniba ang La Union 18-6.
Sa Bracket D ay nagpakitang gilas si Glenn Zenarosa ng IIEE Western Region Central Saudi Arabia (WRCSA) na pinatiklop ang IIEE Singapore 20-12; panalo ang Eastern Region Central Saudi Arabia (ERCSA) sa IIEE Central Laguna 10-8; habang naghati ng puntos ang IIEE Bataan at IIEE Metro North na may 9-9 score.
Tabla naman ang resulta Regional bracket sa pagitan ng IIEE Northern Luzon vs IIEE Central Luzon (12-12), IIEE Metro Manila vs Northern Mindanao (34-34) at IIEE Bicol vs Western Visayas (24-24); habang kinaldag ng Eastern Central Visayas kontra sa IIEE Foreign region (57-53) ay panalo ang Southern Luzon kontra sa SouthWest Mindanao (23-13).
Ang N1 IIEE National chess Olympiad ay suportado ninaIIEE National President Allan Alvarez, IIEE National VP Technical Affair Feliciano Padua III at National Chairman Joseph Solicar of TCPDC. Isang official sport under ng Annual National Convention sa gabay nina Bureau Director and IIEE National VP Internal affair Lyndon Bague at Sports Coordinator Datu Amil Asakil.
Ang Olympiad ay ginabayan nina consultant FIDE National Arbiter Richard R. Dela Cruz, tournament director at former IIEE Bulacan chapter president Norberto De Jesus, 2021 IIEE National President Allan Anthony P. Alvarez at Normel Benigno de Jesus, former member ng UST chess team, Gintong Kabataan ng Bulacan Awardee, presently Liason officer ng Bulacan Republicans Basketball team sa National Basketball League.
Makikita sa larawang ito si National Master at Engineer Robert Arellano

(Photo by Gilbert Castro Pascua)