Laguna Heroes tinalo ang Olongapo Rainbow Team 7

Laguna Heroes tinalo ang Olongapo Rainbow Team 7

Laguna Heroes tinalo ang Olongapo Rainbow Team 7

Laguna Heroes tinalo ang Olongapo Rainbow Team 7

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

MANILA, Philippines---Naka-ahon ang Laguna Heroes sapul ng matalo sa the Manila Indios Bravos matapos pabagsakin ang Olongapo Rainbow Team 7, 17-4, sa third conference Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) online tournament via chess.com nitong Sabado, Setyembre 18, 2021.


Giniba ni Grandmaster John Paul Gomez si National Master Levi Mercado para ihatid ang Heroes sa 2-1 win-loss record sa Northern Division.
Si Gomez na many-time olympiad member ay pinasuko si Mercado sa 30 moves ng Bogo Indian Defense sa rapid play.
Nagtala din ng importanteng panalo sa Heroes ay sina Michella Concio, Fide Master Jose Efren Bagamasbad, Vince Angelo Medina, Kimuel Aaron Lorenzo at Arije Bayangat.
"We are just trying to get better every game. We are just trying to get in better shape," sabi ni Arena Grandmaster Dr.Fred Paez, sa sa apat na co-team owner ng Laguna Heroes na kinabibilangan nina Mr. David Nithyananthan ng KALARO, Engr. Benjamin Dy ng SDC Global Choice at Engr. Jonathan Mamaril ng Oregon, USA.
Suportado ng Greatech Philippines, Inc., SDC Global Choice, Jolly Smile Dental Clinic, KALARO at ng Rotary Club of Nuvali, kinaldag ng Laguna Heroes ang Pasig City King Pirates, 11.5-9.5.
Susunod na makakalaban ng Heroes ang Rizal Batch Towers at ng Caloocan Loadmanna Knights sa Miyerkoles.