MANILA, Philippines---Nakapagbigay ng karangalan sa bansa si Arena Grandmaster (AGM) Dandel Fernandez matapso mag 3rd overall sa August Classical Tournament 2021 (Sharjah Chess Open Standard Over the Board) na ginanap mula Agosto 20 hanggang 26, 2021 sa Sharjah Cultural & Chess Club in Sharjah, United Arab Emirates.
Si Fernandez na employee sa Saudi German Hospital Dubai ay giniba si Mariam Essa ng United Arab Emirates tangan ang disadvantageous black pieces sa 9th and final round para tumapos ng 6 points mula 5 wins, 2 draws at 2 loses.
Ito din ang nakamadang iskor nina 4th placer Nelman Lagutin at 5th placer Abdulrahman Mohammad Al Taher ng United Arab Emirates.
“I would like to dedicate my victory to my countrymen. It’s an honor to represent our country,” sabi ni Novelty Chess Club top player Fernandez na nag 3rd place matapos ipatupad ang tie-break points.
Ating maggunita na si Fernandez ay ginabayan ang kanyang koponan sa kanyang kumpanya sa World Corporate Chess Championship.
Si Candidate Master Mohamed Saeed Laily ng United Arab Emirates ay nagmarka ng 7.5 points para makopo ang titulo
Nakapagtala naman si Woman Fide Master Al Maamari Wafia Darwish ng United Arab Emirates ng 6.5 points tungo sa 2nd place.
Nasilayan si Rocky Pabalan sa 10th na may .5 points, si Francis Erwin Dimarucut ay 14th na may 4 points habang si Danilo Reyes ay 16th place na may similar 4 points.