MANILA, Philippines---Nakapagtala si Chester Neil Reyes (Elo 1837) ng Pilipinas na magkasunod na panalo para makopo ang solong liderato sa pagpapatuloy ng FIDE Online Rapid World Cup Cadets & Youth online chess championship Open 16 and under virtually na ginaganap sa Tornelo Platform.
Ang 89th seed Reyes na ipinagmamalaki ng Rodriguez, Rizal province ay ginulat si 4th seed International Master (IM) Denis Lazavik (Elo 2440) ng Belarus sa 47 moves ng King's Indian defense sa Thursday's seventh round at naka checkmated kay 13th seed Fide Master (FM) Rohith Krishna S (Elo 2304) ng India sa 45 moves ng King's Indian defense sa Friday's eight round para manatili na unbeaten.
Bunga ng panalo ay nakalikom si Reyes ng 7.5 points mula sa seven wins at one draw na may 2 laro pang nalalabi.
Habang ang isa pang Filipino entry na si 106th seed Jeremy Marticio (Elo 1693) ay ginapi si 38th seed CM Eldiar Orozbaev (Elo 2128) ng Kyrgyzstan sa 48 moves ng Giuco Piano Opening at naka checkmated kay 42nd seed Taira Tyler Tanaka (Elo 2099) ng Canada sa 37 moves ng Caro-Kann defense para maiposte ang fifth straight wins. Ang Cabuyao City, Laguna bet Marticio ay may total 6 points mula six wins at two loses.
Si Reyes ay nasa pangangalaga ni coach Richard Villaseran, founder ng King’s Gambit Chess School habang si Marticio ay suportado nina Cabuyao City Mayor Mel Gecolea, Cabuyao City Sports Director Jerome Paul Lualhati, Bayanihan sa Cabuyao Executive Director Michael Aranzanso at Cabuyao Chess Committee Chairman & President of Philippine Executive Chess Association Dr. Fred Paez.
Target nina Reyes at Marticio na makapasok sa top 10 para makasama ang early qualifiers na sina Lexie Grace Hernandez ng Angeles City, Pampanga (Girls 16 and under), Jersey Marticio ng Cabuyao City, Laguna (Girls 14 and under), April Joy Claros ng Angeles City, Pampanga (Girls 14 and under) at Wayne Diaz Ruiz ng Santa Rosa City, Laguna (Open 14 and under) na masisilayan sa Last 16 Knock Out Stage.
Ang National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sa gabay ni President/Chairman Rep. Prospero “Butch” Arreza Pichay Jr. ay suportado ang kampanya ng Filipino woodpushers na bahagi sa programa na mahasa at ma develop ang outstanding young players.-Marlon Bernardino-
Makikita sa larawang ito si Jeremy Marticio na nag poste ng 5 sunod na panalo kung saan ang Cabuyao City, Laguna bet Marticio ay may total 6 points mula six wins at two loses.