Barcenilla, Gomez nanguna sa Laguna para talunin ang Quezon City sa PCAP chess tilt

Barcenilla, Gomez nanguna sa Laguna para talunin ang Quezon City sa PCAP chess tilt

Barcenilla, Gomez nanguna sa Laguna para talunin ang Quezon City sa PCAP chess tilt

Barcenilla, Gomez nanguna sa Laguna para talunin ang Quezon City sa PCAP chess tilt

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

MANILA, Philippines----Pinangunahan nina Grandmasters Rogelio "Banjo" Barcenilla Jr. at John Paul Gomez ang defending champion Laguna Heroes sa pagtulak ng 16.5-4.5 victory kontra sa FM Arlan Cabe-led Quezon City Simba's Tribe sa Professional Chess Association of the Philippines (PCAP)

na tinampukang Grandmaster Wesley So Cup Sabado ng gabi, Mayo 22, 2021 sa online tournament sa chess.com.
Si Barcenilla, many-time Battle of the GMs champion ay nagwagi kay fellow Philippine Junior Champion Cabe sa rapid at blitz showdown habang sinundan din ni Gomez ang pag-giba kay Noel Jay Estacio para tulungan ang Heroes sa pagsalo sa fifth place sa Caloocan Loadmanna Knights na may identical 3-2 win-loss records.
May pagkakataon sana ang Laguna na makasama sa leader board ang San Juan Predators na tangan ang league-best 5-0 card, sa Northern Conference kung nanalo sana sa San Juan (7.5-13.5) na magtutungo sana sa possible five-way tie for first kasama ang Antipolo Cobras, Manila Indios Bravos at Cagayan Kings na may tig 4-1 marker.
“GM Banjo Barcenilla and GM John Paul Gomez played very well and won the match .” sabi ni Arena Grandmaster Dr. Alfredo “Fred” Paez, isa sa pat na co-team owner ng Laguna Heroes na kinabibilangan din nina Mr. David Nithyananthan ng KALARO, Engr. Benjamin Dy ng SDC Global Choice at Engr. Jonathan Mamaril ng Oregon, USA.
Kabilang din sa nagtala ng importanteng panalo sa Laguna na suportado din ng Greatech Philippines, Inc., SDC Global Choice, Jolly Smile Dental Clinic, KALARO at ng Rotary Club of Nuvali ay sina Fide Master Austin Jacob Literatus, Woman National Master Jean Karen Enriquez, Fide Master Jose Efren Bagamasbad at Kimuel Aaron Lorenzo.
Namayani si Literatus kay Joseph Navarro, angat si Enriquez kay Michaela Concio, panalo si Bagamasbad kay Danilo Ponay at nakaligtas sa losing position si Lorenzo kontra kay Vicente Demain.
Isinalba naman ni Fide Master Robert Suelo Jr. ang Quezon City sa possible shut-out loss sa rapid competition ang kanyang koponan matapos mangibabaw kay Vince Angelo Medina.
Sa blitz portion ay sina Ponay at Demain ang nagtala ng kambal na panalo sa Quezon City matapos talunin sina Bagamasbad at Lorenzo, ayon sa pagkakasunod habang tabla naman si Suelo kontra kay Medina.
Panalo ang Laguna Heroes sa Quezon City sa blitz portion, 4.5-2.5, maging sa rapid format, 12-2.
Samantala ay patuloy ang pagratsada ng Camarines Soaring Eagle at Cordova Dutchess Dagami Warrios sa Southern Division na may 5-0 clean slate.-Marlon Bernardino-
Makikita sa larawang ito si Grandmaster Rogelio "Banjo" Barcenilla Jr.
Makikita sa larawang ito si Grandmaster John Paul Gomez