GM Darwin Laylo natalo sa Tricycle Driver kung saan ang heavy favorite Pasig Chess Team yuko sa Cagayan

GM Darwin Laylo natalo sa Tricycle Driver kung saan ang heavy favorite Pasig Chess Team yuko sa Cagayan

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

May panibagong chess sensation sa katauhan ng unheralded Jake Tasi Tumaliuan isang 31 years old Tricycle Driver mula Tuguegarao City matapos pangunahan ang kanyang koponan na Cagayan Kings sa clift hanging 11-10 victory kontra sa heavy favorites Pasig Kings Pirates sa pagbubukas ng 2021 Professional Chess

Association of the Philippines (PCAP) Chess League sa online tournament Sabado, Enero 16, 2021 sa lichess platform.
Ginulat ni Tumaliuan si Grandmaster Darwin Laylo sa kanilang rapid play match.
"Panalo na ako sa game natalo pa. Che Checkmate ko na sana eh bumagsak oras ko. I thought may 3 seconds pa ako at s'ya (Jake Tasi Tumaliuan) naman ay 1 second," sabi ni Laylo na top player ng multi-titled Philippine Army chess team at member ng National Team sa isang exclusive interview ng writer na ito.
Bida din ang mga ka team mate ni Tumaliuan na sina Emerson Aquio, Robert Mania at Jefferson Villarde matapos manalo sa kani kanilang matches sa boards five hanggang seven para balewalain ang panalo ng Kings Pirates sa blitz event.
Panalo si Aquio kay Italy based National Master Exfelicos Bolico sa board 5, pinigil ni Mania si Cromwell Sabado sa board 6 habang binasura ni Tugade si Carl Espallardo sa board 7.
Habang ang Little-Known Krizza Mae Failoga Biggayan ay nakatabla kay veteran World Chess Olympiad member Woman Fide Master Sherilly Cua sa board 3.
Naitala ng Pasig Kings Piratesang twin win courtesy nina Italy based Grandmaster Roland Salvador at National Master Rudy Ibanez sa board 2 at board 4 matapos talunin sina Jojo Foz at Lamberto Arugay ayon sa pagkakasunod.
Nagbigay naman ng mensahe si Cagayan Kings Head Coach John Robert Bumatay sa kanyang koponan.
"Unang-una sa lahat labis ang tiwala namin sa Panginoon dahil hindi namin aakalain na matatalo namin ang Pasig City bukod sa may limang master na meron sila, kami naman mga Homegrown player po. Pero sa Prayer Hardwork at discipline nagawa namin ang pag ka panalo na ito. Nais ko pasalamatan ang team owner namin na si Atty Joel Butuyan. Ang panalo na ito ay para sa pagkapanalo ng buong Cagayan Chess Player."sabi ni Coach Bumatay na presidente din ng Cagayan Valley Chess Association.
Una dito ay natalo ang Cagayan Kings sa Pasig Kings Pirates, 2-5, sa kanilang blitz encounter.
"The format of the tournament is 1 point is equavalent of a win in blitz while 2 points is equavalent of a win in the rapid play." ayon sa organizing committee.
Cagayan Kings next assignment on Wednesday, January 20, 2021 at 7pm against Antipolo Cobras and San Juan Predators.-Marlon Bernardino-
Isang photo ni unheralded Jake Tasi Tumaliuan (kaliwa), isang 31 years old Tricycle Driver mula Tuguegarao City.