Canelo Alvarez kinasuhan si Golden Boy Oscar De la Hoya, DAZN

Canelo Alvarez kinasuhan si Golden Boy Oscar De la Hoya, DAZN

Canelo Alvarez kinasuhan si Golden Boy Oscar De la Hoya, DAZN

Canelo Alvarez kinasuhan si Golden Boy Oscar De la Hoya, DAZN

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Sinampahan ng kaso ni Mexican top contender Canelo Alvarez nitong Martes


sa Los Angeles Federal court si Golden Boy Promotion, CEO Oscar De La Hoya at U.S broadcasting partner DAZN ng ten counts dahil sa umano'y paglabag sa kontrata at sinasadyang panghihimasok.

Unang reklamo nito ay inihatid sa The Athletic na hiningan ng dalawampu't apat na kopya ng dokumentong demanda galing kay Alvarez, may rekord na (53- 1-2, 36 KO's) at kasalukuyang top rank pound-for-pound boxer sa mundo.

Sinabi sa CBS SPORTS, hinahanap ni Alvarez ang $280 million na bayad-pinsala. Nakasaad dito na may utang pa sa kanya plus yong mga nawala na sponsorship at kita niya na $380 million na pinirmahan niya sa DAZN nung 2018.

"I'm the pound-for-pound number one in the world" wika ni Alvarez sa pahayag niya sa Athletic.

"I'm not scared of any opponent in the ring and I'm not going to let failures of my broadcaster or promoters keep me out of the ring. I filed the lawsuit so I can get back to boxing and give my fans the show they deserve." aniya.

Nag-ugat ang demanda nang mawalan ng tiwala at hindi pagkakaintindihan sa usapan sa kanyang mga promoter at DAZN. Kaya't amh target ng Mexican icon na makabalik sa ring ngayong 2020 ay naging malabo.

Ang asam ng 30 years old na si Alvarez na muling sumabak sa 168- pound na may- ari ng titulong si Billy Joe Saunders ay hindi natuloy dulot ng pag-atake ng coronavirus outbreak.

Bumagsak ang lahat matapos ang isinagawang talakayan nitong buwan dahil sa bawal pa ang live. At sinasabing itutuloy na lang ang usapan sa darating na Nobyembre ng taon. Natapos ang usapan na walang napagkasunduan sa pagitan ng GBP at DAZN.

Dahil dito nagpahayag si Alvarez na lumalabag ang konsernado sa mga alituntunin ng kanilang mga kasunduan kung saan naghahanap ng "premiere opponent". Inoperan umano si Canelo ng kalahati ng kanyang garantisado $35 million kada laban.

Handa naman umanong makipagkompromiso si Alvarez, ayon sa reklamo, pero nabigo ang DAZN na magpakita ng bagong offer.

Lahat ng sports streaming app ay tahasang humina na maibalik sa full time boxing scheduled habang may quarantine. Dulot ng pandemya kinailangang magtanggal ng mga empleyado matapos ang agresibong 2018. Kaya' t matapang na ideneklara ng DAZN ang masaklap na kamatayan ng traditional pay-per-view.

Ang sukat ng dibisyon sa pagitan ni Alvarez at DAZN ay naging sentro ng hindi pagkakaintindihan dahilan sa tatlong beses na laban ay hindi sumang- ayon si Alvarez bagamat lumaban pa din kay 160-pound champion Gennady Golovkin, na ang una at pangalawa nilang laban ay na-ere sa HBO PPV, at bawat partido ay nakakalap ng higit sa isang milyon.

Ang hindi pagtuloy sa ikatlong laban ay sanhi ng hindi pagkakaunawaan sa mga probisyon na nakalagay sa kontrata.

Ang personal service contract ni Alvarez ay nakapirma kay Golden Boy at hindi sa DAZN, samakatuwid si Alvarez ay naniwala sa pangakong binitiwan ng ginawa ng kanyang promoter sa DAZN na ang Alvarez-Golovkin third fight ay para lang kay Golden Boy.

Hindi na sumagot ang DAZN sa komento ng The Athletic, habang si Golden Boy ay tinanggihan ang anumang mga pangakong kailanman ay 'di naisakatuparan.

"Nobody from Golden Boy ever promised anyone that Canelo would fight any specified opponent," pahayag ng Golden Boy spokesperson Stefan Friedman at sinabi pa sa The Athletic.
"We simply agreed to put on the kind of premier, history-making fights we worked on together in 2019. Canelo's beef is with DAZN. They're the ones refusing to honor the contract."

Bago ang ulat galing sa The Athletic, nakasaad sa kontrata na obligado si Golden Boy na bigyan ng isang "premier" na kalaban kada taon si Alvarez para sa DAZN. Hindi lang ito sa DAZN, ang kapuwa fighter na si Saunders at ang fellow unbeaten super middleweight titleholder Callum Smith ang dapat ilaban kaso hindi pumasa sa level king saan ang DAZN ay determinado parehas lang kay Alvarez sa 2019 opponent, Daniel Jacobs at Sergey Kovalev.

Ayon sa demanda si Alvarez ay naniniwalang ang DAZN ay ginagamit lang ang pagtatalo ng "premier opponent" na dati nang hindi naipahayag at isang palusot para lang hindi ma -approved at hindi bayaran sa natitirang kasunduan.

Dagdag pa nga ni Alvarez, nilabag ni Golden Boy ang katungkulang fiduciary nito at sinadyang linlangin ang kanyang sariling deal sa DAZN.