Boxing Magsayo

Boxing Magsayo

Boxing Magsayo

Boxing Magsayo

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Magsayo Wagi!

'Masaya ako, dahil ok naman si Julio Ceja tapos ang knockout; May pamilya din siya gaya ko' - Mark Magsayo

Walang magawang reaksiyon si Pinoy fighter Mark Magsayo kundi ang pigilan ang kanyang gigil sa gabi ng Enero 21.

Ang wala pang talong Pinoy featherweight contender sa kanyang binagwis na matinding knockout kontra Julio Ceja ang nagsilbing agad na nominado para sa taunang parangal.

Ito rin ang nagpa-angat kay Magsayo sa posisyong hamunin si Gary Russell Jr. para sa WBC 126-pound championship Sabado ng gabi sa Borgata Event Center.

Gayunpaman, hindi mapakali si Magsayo hangga't hindi masiguro o mapag-alaman kung nasa mabuti bang kalagayan si Ceja at ligtas na makabalik at makasama ang kanyang pamilya kaakibat ang misis at anak na lalaki sa Mexico.
Nasorpresa siya nang tawagan niya si Ceja sa araw matapos ang kanilang laban at alamin ang kanyang kondisyon.

“I’m glad that I won by KO, but I worry what happened to him because he has a family, too, like me,” pahayag ni Magsayo sa BoxingScene.com. “We’re just doing our business in the ring. So, after that fight I called him in the hospital. His response was good. He was so happy that I was calling him. That never happened to him, that the opponent’s calling him, asking, ‘How are you?’

“He was so happy that he heard my voice. I’m happy, too, that he’s OK, that his family is together and they keep him in the family. It’s just a sport. We’re only doing our job in the ring.”

Dagliang umaksiyon ang mga ring doctor kay Ceja para tingnan ang kalagayan matapos na matumba sa canvas mula sa umaalimpuyong kamao ni Magsayo. Umalis si Ceja sa ring, pero inasistehan siya ng kanyang mga handler diretso sa dressing room.

Inilagay ng Nevada State Athletic Commission si Ceja (32-5-1, 28 KOs) sa indefinite medical suspension kasunod ng brutal na kabiguan.

Samantalang naniniwala naman ang 26-anyos na si Magsayo na mas preparado siya na masilat si Russell sa 12-round, 126-pound championship match na nakabandera sa “Showtime Championship Boxing” tripleheader (9 p.m. ET).
Ang 33-year-old Russell (31-1, 18 KOs), kaliwete mula sa Capitol Heights, Maryland, ay nakatala sa most online sportsbooks bilang 4-1 favorite para gapiin si Magsayo (23-0, 16 KOs), na nasa kuwadra ni International Boxing Hall of Fame trainer Freddie Roach.