Jonas Sultan giniba si Puerto Rican Caraballo, via-unanimous decision

Jonas Sultan giniba si Puerto Rican Caraballo, via-unanimous decision

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Sakalam na naimarka ni Pinoy bantamweight Jonas Sultan ang kanyang ikatlong sunod na panalo, matapos durugin ang armada ni dating undefeated Carlos Caraballo ng Puerto Rico sa loob ng 10-round na bugbugan, Sabado sa Hulu Theater in New York (Linggo sa Manila).

Apat na beses na pinahiga ng 29-anyos na si Sultan si Caraballo pero kinailangan maisalba din ang kanyang sarili matapos ma-knockdown diretso sa pag-angkin ng unanimous decision victory, kung saan umiskor ang mga hurado sa laban ng 94-93.

Sa ikalawa at ikatlong rounds, nagawang itumba ni Sultan si Caraballo, pero ipinamalas din ng Puerto Rican ang kanyang boxing skills para pumanig ang momentum. Isang kaliwa ang nagawang humaplit mula kay Caraballo saglit na nagpatumba kay Sultan sa canvas, at dito dinomina ni Caraballo ang Pinoy sa 4th.

 

Pero hindi pa tapos si Sultan, nang kanyang paigpawin ang isang kanan sa 6th na naghatid para muling gumapang si Caraballo. Bagamat lulugo-lugo ang Puerto Rican, nakaligtas namang mabilangan ng mandatory at ihatag ang pukpukan kay Sultan sa sumunod na dalawang rounds bago muling ilatag ng Pinoy boxer sa canvas sa ninth.

Isang left hook ang naghatid kay Caraballo sa canvas, datapwat nagpakita ng ibayong determinasyon ang Puerto Rican na makabangon hanggang sa final bell.

 

May kartada na ngayon sa kanyang boxong career si Sultan ng 18-5 (11 KOs), sa pagtala ng tatlong sunod na panalo makaraang tibagin si Salatiel Amit noong August 2019 at Sharone Carter nitong Agosto ng taon. Kasama sa kanyang kredensiyal ay ang panalo niya rin kay reigning IBF junior bantamweight champion John Riel Casimero.
Ito naman ang unang talo ni Carballo, umakyat sa lona na may malinis na 14-0 , lahat ay pawang iniskor via- knockout