Paquiao hinubaran ng korona; Garcia matunog na kalaban? 

Paquiao hinubaran ng korona; Garcia matunog na kalaban? 

Paquiao hinubaran ng korona; Garcia matunog na kalaban? 

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Hinubad na kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang nakapatong sa kanyang  World Boxing Association (WBA) welterweight super crown makaraang tanggalin sa kanya ng naturang organisasyon dahil sa kawalan ng laban sa ibabaw ng lona.
 
 
Gayunman, sinabi ng WBA na mananatiling "champion in recess" ang 8 division world champion. 
 
"Rule C.22-24 states that when a champion is unable to defend the belt for medical, legal or other reasons beyond his control, he may be named champion in recess," sa ipinalabas na statement ng WBA, Sabado.
 
Nahablot ni Pacquiao ang WBA super belt matapos hiyain si Keith Thurman sa Las Vegas, Nevada noong July 2019.
 
Datapwat wala na siyang naging laban sa buong tapn ng 2020 sanhi na rin ng pananalasa ng virus sa buong mundo, at nakapokus na sa kanyang trabaho bilang mambabatas. 
 
May mga ispekulasyon namang posibleng mapasabak na siya ngayong taon at ang matunog at napipisil ang bagitong si Ryan Gracia.
 
Naiangat naman si WBA Cuban pugilist Yordenis Ugas sa super champion status.
 
Si Ugas, dating Olympic bronze medalist, ang regular champion, ay tinalo si American opponent Abel Ramos noong Sept. 7 (Philippine Time) sa Los Angeles.
 
"Thank God, my agent, my team, family, and fans. Today is a great day for me. Thanks to the WBA for raising me to Super Champion and doing what is best for [the] sport," sa tweet ni Ugas.
 
Sa kabila ng  undisputed WBA champ sa ngayon ang 34-anyos na si Ugas, napaghayag din ng kagustuhan na makalaban ang 42-year-old na  si Pacquiao para sa korona.
 
"I don't want this position for easy fights. My team has my consent for my next fight to fight Pacquiao if he wants to show who is the true WBA champion," sambit ni Ugas. (LP/PNA)