Kumpletong legasiya ni King LeBron James

Kumpletong legasiya ni King LeBron James

Kumalso siya  sa  Miami at naging kampeon.
Bumalik sa  Cleveland at naipanalo muli ang panibagong titulo.
Dumayo siya sa Los Angeles at ngayon balik-sampa ang  Lakers sa ituktok sa mundo ng  basketball.



'Yan si LeBron James, mahalin man siya o kamuhian, siya ngayon ay nasa sarili niyang kategorya. Pinamunuan niya ang tatlong prangkisa sa  NBA titles, isang bagay na wala pang nakakagawa. Ang kanyang legasiya ay matagal nang nakumpleto bago ang Linggo ng gabi,   nang itanghal ang Los Angeles Lakers na maging NBA champions, ang ika-17 beses matapos tustahin ang Miami Heat at kanain ang titulo para takluban ang season ng walang iba  sa  bubble na walang katulad. 

Ngunit ang legasiya ay mas lalo lang pinakislap ngayon. 

“I guess, as Frank Sinatra would say, I did it my way,” ani James bagupaman itong  playoffs.

'Yan ay hindi na para pagtalunan. 

Humablot siya ng apat na titulo. Ang four-time NBA Finals MVP,  ang ikalawa na maipanalo sa gayung kadami. Nagawa n'yang lahat ng  ito  sa NBA pinakamalaking target sa kanyang likuran, na sa bawat kilos at bawat kataga nabibitawan ay sinusuri at madalas na tampulan ng pagpuna ng mga kritiko.

Si James ay naging pusod ng isang independent superstar athlete, mga bagay na gustong subukan ng marami na maging tulad niya ngunit ang iilan ay may tsansang hilahin. Nagagawa ang anumang nais niyang trabahuhin at gawin ng wasto at naaayon sa kanyamg kagustuhan. Si Bill Russell ay habambuhay na maraming singsing at si  Michael Jordan ay  forever na maging  choice ng marami bilang NBA’s greatest player. At 'yan ay OK kay James, na binaybay ang kanyang sariling  landas.

“The game of basketball will pass me by,”  ani James.“There will be a new group of young kids and vets and rookies throughout the course of this game. So, I can’t worry about that as far as on the floor. How I move, how I walk, what I preach, what I talk about, how I inspire the next generation is what matters to me the most.”

Hindi siya makakalimutan na minsa'y naging isang lampang bata mula sa  Akron, Ohio. Kung 'di pa siya naging bilynaryo ay papunta na siya doon. Siya'y nasa  Wheaties box ngayon, na sinasabing inilunsad na ito noong nakalipas na linggo ay sinabi niyang ,  “one of the best moments of my life.” Tinatag niya ang paaralan at nanatiling may ugnayan sa naturang punyagi.
 Aktibo niyang sinusubukan kumuha ng mas maraming tao, partikular na ng mga  Black people, na iboto ng higit pa bagupaman. 

“I just hope I make my guys proud and that’s all that mattered to me,” sambit ni James . “I make my guys proud, make the fan base proud, my family back home, I can’t wait to get back home to them. Akron, Ohio, we did it again — and that’s what it’s all about.”

Oh, kung ito'y hindi pa sapat, inihatid niya sa kampeonato ang Lakers franchise na umabot ng  10 taon na wala ni isa at ginawa niya sa taong higit nilang kailangan, na nagpapatak sa kanilang mga luha ng kaligayahan matapos ang lahat ng mga luha ng pagdadalamhati kasunod ng  biglaang pagpanaw ni NBA superstar Kobe Bryant dulot ng naganap na helicopter crash noong January.

“I think it’s remarkable what LeBron is still doing at his age,” wika ni Denver coach Michael Malone kay James. “The minutes he’s playing, how effective he is on both ends of the floor, and the impact he has on both ends of the floor, his will to win is just incredible.”

Tumapos ang 35-anyos na si  James ngayong postseason ng 580 points; wala sa kanyang mga kagayang edad ang nakagawa nito. May 184 assists; wala ni isa man sa kanyang edad ang  nakagawa nito.  Kung siya'y nanghihina ay hindi niya ipinapakita ito,  mayroon siyang 32 points sa kanyang unang  playoff game 14 taon na ang nakaraan, nalagpasan niya ito ng anim na beses dito sa postseason run.

“He’s shown why he is the player that he is, why he’s had the career and the legacy that he’s continually building,” palatak ni Miami’s Jimmy Butler.

Si James ay kumatas ng 4,148 points sa likod ni Kareem Abdul-Jabbar para sa regular-season scoring lead, ibig sabihin kailangan niyang maglaro  ng di kukulangin ng dalawa pa para sa buong  seasons para abutin ang naturang marka. Noong Linggo ay kanyang  260th career playoff appearance, lagpasan si Derek Fisher para sa all-time record. Siya ay naging All-NBA para sa ika-16 na beses ngayon season, na isang record. Naumpisahan niya ang 16th consecutive All-Star Game ngayong season, na panibagong record . Maraming fans ang pinili siyang  MVP itong season kaysa kay Giannis Antetokounmpo, na siyang humablot ng  award.

Wala namg natitirang dapat patunayan sa basketball court. At muli,  wala nang dapat na patunayan pa sa ngayon pansamantala. 

“I think the story will be told how it’s supposed to be told and be written how it’s supposed to be written,”  ani James . “But I don’t live my life thinking about legacy. What I do off the floor is what means more to me than what I do on the floor.”
 
Anuman ang kanyang nagawa sa loob man  o labas ng floor  iyan ay kung paano ang isang alamat ay mailalarawan.
 
“I just think it is a true testament to his greatness to be able to sustain this type of success year in, year out,” ani Miami coach Erik Spoelstra. “Different uniforms. New players and new teams going after him. It’s a real testament to that commitment. He’s seen everything. At this point in his career, it’s just about winning.”
 
Ang iba'y nanalo ng marami.  Ngunit wala ni isa man sa NBA ang nanalo gaya ng tulad kay James. Mabuhay Ka The King Lebron James  (LP)