Lakers kontra Miami Heat sa NBA Finals 

Lakers kontra Miami Heat sa NBA Finals 

Nagbago ang mga uniporme  sa loob ng ilang taon,  ngunit hindi ang destinasyon. 
  
Handa na ang matchup, kung saan ang Miami Heat at Los Angeles Lakers ang namayani bilang huling dalawang tropang tutumbukin ang inaasam na makokoronahang kampeon sa matigtig na edisyon sa kasaysayan ng  NBA.
 
Ang Heat ang humugot ng Eastern Conference title, Linggo ng gabi nang tapusin ang  Boston isang araw matapos akuin ng  Lakers ang korona sa Western Conference.
 
Kaya't sa unang pagkakataon  ang dalawang prangkisa na wala sa  playoffs ng nakaraang season ang maghaharap sa NBA Finals. Ang Game 1 ng Heat-Lakers ay Miyerkules ng gabi sa  Walt Disney World.
 
Sa pagsalamin kung saan siya tutungo at tatayo kasama ng Los Angeles Lakers, binanggit si LeBron James na kapwa ang Miami Heat at coach Erik Spoelstra bilang uukit na sa kanyang  10th career trip sa NBA Finals.
 
Kakalusin ni James ang ikaapat na NBA championship, gayundin ang titulo bilang pangatlo sa magkakaibang prangkisa  — at maging unang player na manalo ng Finals MVP award sa isang koponan at sagupain ang kaparehong team at sa hinaharap na serye sa kampeonato.
 
Ang kanyang unang dalawang titulo ay nanggaling sa Miami noong 2012 at 2013, ang highlights sa apat na taong pamamalagi sa Heat na nagwakas taong 2014.
 
Matapos ang  single, hindi matagumpay na biyahe sa  NBA Finals noong 2007 sa panahon ng kanyang inisyal na pagsampa sa  Cleveland  Cavaliers, tumalon si James sa Heat noong 2010 free agency. 
 
Sa ilalim ng baton ni  Spoelstra, nagawa niyang igiya ang apat na magkakasunod sa NBA Finals, naipanalo ang una niyang NBA championships noong 2012 at ’13.
 
Tapos nag-alsa balutan siya sa Heat noong 2014 free agency, kung saan bumalik siya sa kanyang tinubuang lugar sa  Ohio at makausad sa NBA Finals sa kampo ng Cavaliers mula 2015-18, at maipanalo ang 2016 championship.
 
Nabigo si James na maipanalo ang  Finals na huling biyahe niya na rin pareho sa  Heat (2014) at Cavaliers ( 2018).
 
“I got to get it done,” sabi niya sa natenggang  championship round. Gising sa mga hamon at ang kahulugan ng naturang hamong tatahakin. (Louis Pangilinan/NBA)