Pattern na nagpapakitang higit na inaatake ng virus ang utak 

Pattern na nagpapakitang higit na inaatake ng virus ang utak 

Isang pattern ang lumalabas at nagpapakitang higit na puntirya ng mga tinamaang pasyente ng  coronavirus disease 2019 (Covid-19) ay ang utak na dinala sa ospital  sa New York.
Maliban sa lagnat, ubo at paninikip sa paghinga, ang ilan ay malalim ang pagkawala sa 'wisyo  sa puntong hindi alam kung nasaan sila o anong taon na sa kasalukuyan. 
 
Ito'y ikinakawing sa mababang oxygen levels sa kanilang dugo, ngunit sa ibang pasyente, ang pagkabalisa ay lumalabas ang pagkadispalinghado  kung  paano ang baga ay gumagana. 
 
Sa pagsusuri ni Jennifer Frontera,  neurologist sa New York University Langone Brooklyn hospital sa mga pasyente, sinabi sa Agence France-Presse (AFP) ang findings ay konsernadong ikinakatig tungkol sa matinding  impact ng Covid-19 sa utak at  nervous system.
 
Sa ngayon, karamihan sa mga tao ay familiar sa respiratory hallmarks ng Covid-19 disease kung saan hinawaan na ang higit sa 2.2 million katao sa buong mundo. 
 
Ngunit mas ang kakaibang senyales ang lumalabas sa bagong ulat buhat sa frontlines.
 
Isang pag-aaral na naipublisa sa Journal of the American Medical Association sa nakaraang linggo ang nakitang  36.4 percent sa 214 Chinese patients ang may neurological symptoms kasama dito ang kawalan ng pang-amoy at sakit sa ugat, hanggang seizures at strokes.
 
Isang teksto sa  New England Journal of Medicine nitong linggo ang iniksamin ang may 58 patients sa Strasbourg, France ang natuklasang higit sa kalahati ay balisa o pagkabangag sanhi ng brain imaging  inflammation.
 
“You’ve been hearing that this is a breathing problem, but it also affects what we most care about: the brain,” wika ni Andrew Josephson, chairman of the neurology department sa University of California, San Francisco sa AFP.
 
“If you become confused, if you’re having problems thinking, those are reasons to seek medical attention,” aniya pa. . “The old mantra of ‘Don’t come in unless you’re short of breath’ probably doesn’t apply anymore.”