MILO Champion Live

MILO Champion Live

Isasalang ng MILO  ang isa pang pulutong ng mga top athletes  na masasaksihan ng mga magulang  habang sdila’y nakatakdang turuan ang mga kabataan bilang katuwaan at mapalakas ang kanilang pisikal na aktibidad sa kanilang pinakabagong edisyon ng  MILO Champion IG LIVE.

Sa April 8 at 10AM at 3PM,  bibigyan sigla ng  MILO Champions ang Instagram  na isasalang ang one-hour training sessions para matulungan ang mga kid na maging aktibo  at malusog habang nanatili sa loob ng tahanan.

Ituturo ni  National Athlete at SEA Games Gold Medalist Pauline Lopez ang basic taekwondo routines para madebelop ang  tatag at bilis  sa kanyang Instagram profile.

 Para sa bagitong aspiring runners , isusunod ni six-time National MILO Marathon Queen at 2016 Olympian Mary Joy Tabal, na maari nilang tutukan  ang kanyang  profile  para pag-aralan ang wastong  running exercises  kung saan puwedeng  sabayan ng  kids  kasama ang kani-kanilang  mom at dad.

Samantala, kaparehong  slots sa  April 15, National Team Members Juan at Javier Gomez de Liaño  ang ipapamalas ang  basic and fundamental basketball moves  na madaling masanay ng mga kid kahit nasa loob sila ng kani-kanilang tahanan. Si running icon Coach Rio de la Cruz ay mapapanood din ng live  Instagram  para pangunahan ang simpleng fun drills  para manatiling nasa kondisyon. (Louis Pangilinan)