MARTIN NGUYEN giniba si KOYOMI MATSUSHIMA para masustena ang ONE FEATHERWEIGHT WORLD TITLE

MARTIN NGUYEN giniba si KOYOMI MATSUSHIMA para masustena ang ONE FEATHERWEIGHT WORLD TITLE

Pinakamalawak na  global sports media property sa Asian history, ONE Championship™ (ONE), bumalik sa dinagsang  Mall of Asia Arena sa Manila para sa pinakamalaking  martial arts event sa Philippine history ang  ONE: DAWN OF HEROES. 
 
Muli,  ang  pinakamagagaling na talento sa mundo ng martial arts ang nagpamalas ng kanilang husay kung saan sa tampok na girian ay napanatili ni  Martin Nguyen ang kanyang ONE Featherweight World Championship sa bisa ng technical knockout victory kontra Koyomi Matsushima. 
 
Sa co-main event, hinablot ni Rodtang Jitmuangnon ang ONE Flyweight Muay Thai World Championship sa pamamagitan ng unanimous decision win vs. Jonathan Haggerty.
 
@@@
 
Patuloy ang dominasyon ni Martin “The Situ-Asian” Nguyen ng Australia at Vietnam  sa featherweight division sa impresibong second-round technical knockout victory kontra Japanese challenger Koyomi “Moushigo” Matsushima sa pagmentina ng ONE Featherweight World Championship.
 
Ginawang dikdikin ni Matsushima si Nguyen sa kaagahan  ng opening round sa pagkonekta ng solidong ground game. 
 
Ngunit nagawang baguhin ng kampeon ang kinakailangang taktika sa second round at  pinaulanan ng strikes ang pagod nang si  Matsushima para mahugot ang stoppage win at matagumpay na maidepensa ang kanyang titulo sa ikatlong pagkakataon. 
 
Sa co-main event, tinanggalanan ni  Rodtang “The Iron Man” Jitmuangnon ng Thailand ng korona si English striking sensation Jonathan “The General” Haggerty via unanimous decision para maging bagong ONE Flyweight Muay Thai World Champion.
 
Ginamit ni Haggerty ang kanyang tangkad sa kaagahan ng salpukan sa bisa ng harapang kicks para di makaporma ang challenger. Gumana ang enerhiya ni Rodtang sa sumunod na mga round at nagawang patumbahin ng dalawang beses si Haggerty. 
 
Matapos ang limang  rounds ng eksplosibong salpukan,  si  Rodtang ang naiwang tagumpay at sa prestihiyosong  ONE World Title. 
 
Sa ONE Lightweight World Grand Prix Semi-finals, inilista ni  Eddie “The Underground King” Alvarez ng United States ang kanyang unang panalo sa ilalim ng ONE banner sa epektibong rear naked choke kay former ONE Lightweight World Champion Eduard “Landslide” Folayang ng Philippines.
 
Inatake ni Folayang si Alvarez sa pamamagitan ng laksang  strikes sa umpisa ng giyera at low kick na naglatag sa  “The Underground King” sa sahig.
 
 Pero nagawang ma-sweep ni Alvarez si  Folayang para makabawi at buhat dito sumakay si Alvarez sa likod ni  Folayang, diretso para sa  submission, at mapuwersang mag-tap.
 
Sa ONE Flyweight World Grand Prix Semi-finals, tinalo ni Demetrious “Mighty Mouse” Johnson ng United States si Tatsumitsu “The Sweeper” Wadaof Japan para angkinin ang three-round unanimous decision.
 
Makalipas ang maigsing palitan ng lakas ng paa sa first round, nagawang ibaligtad ni Wada sa mat si Johnson to at masiguro ang likod. Gayunman matalinong dumipensa si Johnson.
Nagpatuloy ang aksiyon sa  second round sa pagdomina ni Johnson sa palitan ng  grappling. Sa  third at final round,  lumabas na si Johnson ang naging agresibo  at nagkontrol ng laban kay  Wada para akuin ang  unanimous decision victory.
 
Naselyuhan naman no Filipino flyweight star Danny “The King” Kingad ang kanyang  spot sa ONE Flyweight World Grand Prix Finals sa pamamagitan ng split decision win kaybAustralian Reece “Lightning” McLaren. 
 
Nakaaalba ai Kingad sa ilang mapanganib na situwasyon  sa unang dalawang rounds para makahabol sa  final round. Sa huling dalawang minuto ng laban, dominado ni Kingad ang aksiyon sa kknapos na siMcLaren kung san komonekta ang dobleng  takedowns at ikamada ang ilang  ground-and-pound para iwasiwas ang desisyon sa kanyang pabor.Isang panalo na lang ni Kingad pata maginf ONE Flyweight World Grand Prix Champion.
 
Nakopo ni Japanese flyweight Yuya “Little Piranha” Wakamatsu ang kanyang buwenamanong panalo  ONE banner  sa boda ng impresibong first round knockout kay former ONE Flyweight World Champion Geje “Gravity” Eustaquio ng Philippines.
 
Sa lightweight contest, kinuyog ni South Korea’s “Crazy Dog” Dae Sung Park si former ONE Featherweight World Champion Honorio “The Rock” Banario ng Philippines sa loob ng tatlong rounds. .
 
Sa featherweight contest, tinalo ni China’s “The Stalker” Xie Bin si  Philippines’ Edward “The Ferocious” Kelly. 
Pero sa hindi inaasahang paghinto sa laban sa round two, nabigyan si Xie ng technical decision victory kontra Filipino.
 
Impresibo naman si China’s Miao Li Tao sa pagbabalik sa octagon nang biguin si Thailand’s Pongsiri “The Smiling Assassin” Mitsatitvia sa bisa ng unanimous decision. 
 
Kontrolado ni Miao ang kalaban para itumba si Mitsatit sa mat para sa majority ng three-round contest.
 
Walang sagot si Mitsatit sa agresibo at astig na grappling ni Miao kung saan Chinese warrior ay naiposte ang kumbinsidong  decision win.
(Louis Pangilinan)