Maangas na pagsikad ng Ilocos Sur riders sa Ronda Pilipinas

Maangas na pagsikad ng Ilocos Sur riders sa Ronda Pilipinas

Bagupaman ang matinding pananalasa ng pandemya dulot ng Covid 19 sa mundo, nagsilbi nang pangunahing uri ng transportasyon ang pagbibisekleta matapos ang pansantamantalang paghinto ng mga pampublikong sasakyan sa bansa.

Gayunpaman, ang cycling ay kinokonsidera bilang kompetitibong isport kung saan ang Tour de France ang kinokonsiderang pinakaubod ng kompetisyon sa pagbibisikleta.

Malapit sa puso ng mga Pinoy, ang Ronda Pilipinas ay isa sa pinakaprestihiyoso at matikas na karera sa Pilipinas.

Saliw ng puno ng aksyong 10-araw na karera, todong nakipagpadyakan ang mga siklista mula Sorsogon sa Katimugang Luzon, hanggang Baguio City sa Cordilleras ng Hilagang Luzon.

Nagsimula ang Ilocos Sur sa buntot ng pack sa ika-10 sa 13 team. Sa 8 miyembro ng koponan, 6 ay wala pang 23 taong gulang, 3 dito ay 2 beteranong siklista.

Hindi man kinasihan ng paborableng pagkakataon, ang tropa na binubuo nina team captain Jemico Brioso, Jaypee Olarte, Jhunbray Calivo, Mike Haban, Mike Castillo, Louiemar Cabbab, Roel Lacuesta, at Dominador Maraña ay nakipagdikdikan sa bawat isa sa loob ng 10 yugto, kung saan nakakuha ng dalawang podium finish overall at lahat ng miyembro ay nasa top 20 kada yugto.

Ang kanilang matikas na performance ang nagbigay-daan sa koponan na maisampa ang 5th overall sa 10 yugtong padyakan.

Ibinahagi ni Ilocos Sur Governor Ryan Singson na ang tagumpay ng Ilocos Sur team ay kaakibat ng maalab na dedikasyon ng tropa at 'di matatawarang suporta ng auxiliary staff.
Ang koponan ay taos na inasistehan ni coach Arnold Lucero, team mechanic na si Jezlee Torda, at team manager na si Marius Cabudol.

“For every team, the support system is very important in order to succeed, proper training, nutrition, moral and financial support. In our case the Provincial Government of Ilocos Sur with the help of Provincial Sports Officer Marius Cabudol, the coaching staff, trainers and mechanics did their best for the success of the team,” wika ni Singson. (Louis Pangilinan)