Kaagapay ang buong suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Sur sa kumpas ni Sportsman Gov. Luis Ryan Singson, inspiradong papadyak ang Team Ilocos Sur para sa nakatakdang 2022 Ronda Pilipinas mula Marso 11 hanggang 20.
Ang 8- man Team Ilocos Sur riders na unang lumahok sa Ronda Pilipinas noong 2017, ay titimunan ni team captain Jemico Brioso (Narvacan), Loiuemar Cabbab (Narvacan), Roel Lacuesta (Sinait), Mike Haban (Sta. Lucia), Jaypee Olarte (La Union), Jhunbray Calivo (La Union), Mike Castillo (Ilocos Norte) at Dominador Maraña ng Nueva ecija.
Sa unang salta sa padyakan, nahablot ng Ilocos Sur ang 4th place overall, kung saan sa Stage 3 ng rutang Clark Pampanga - Subic Zambales, nahugot ni Jemico Brioso ang segunda puwesto sa sprint finish. Kinabig naman ni Ryan Serapio ang 3rd place finish sa Stage 4 ng bagtasing Subic - Subic Zambales.
Sa sumunod na yugto, matagumpay din nilang nahablot ang top 10 finish, tatlo kay Brioso, tatlo din para kay Serapio at isa para kay Jheffson Sotto.
Taong 2018 naitala ng Team Ilocos Sur sa Ronda ang 9th place at ika-8 puwesto naman noong 2020.
Suportado ang tropa sa kalinga ni Gov. Ryan sampu ng Pamahalaang Lokal ng Ilocos Sur sa pagkakaloob ng
training allowance, barracks sa stadium
kumpletong uniporme.
Gayundin ng transportasyon magmula Vigan hanggang Sorsogon, Baguio hanggang Vigan at individual professional fee ng torneo.