Pacquiao-Crawford fight: Matinding bakbakan 'to! 

Pacquiao-Crawford fight: Matinding bakbakan 'to! 

Perpektong tapatan, sa tamang oras. 'Yan ang magsisilbing katagang maihahambing sa nilulutong sapakan sa pagitan nina Pambansang Kamao Manny Pacquiao kontra dating kakuwadrang si  Terence Crawford.
 
Hindi magagarantiyahan ang 8 division world champion Pacman ng $40 million at 'di rin maikasado kay Crawford ang  $10 million ngunit 'tong  super bout ay brilyong plano para sa lahat ng kinauukulan at partikular na si Crawford na nasa balwarte ngayon ni Bob Arum.
 
Si T'yong  Bob, na aabot na sa  90 anyos sa darating na Disyembre ay sisentro bilang nonagenarian, na pinilas ang panibagong pahina sa libro  bilang pinakadakilang boxing  promoter, siya na ang GOAT ng fight promoters, ngunit ito ay magiging nakakagulat sa lahat ng mga harapan. 
 
Ang bisyosong puncher na si King Ryan Garcia, isang boxing bambino sa edad na 22 taong gulang, ay sabik nang makapitan ang  pakpak para hamunin ang mananaig.
 
 
Muli ay mamarkahan nito kung gaano katindi ang paghahanda at makikitang bangis ni Pacquiao sa ibabaw ng lona. 
 
Walang dahilan  para tanggihan ito ni Crawford kahit na $5 milyon ang kanyang maibubulsa. 
 
Si Crawford ay nagreklamo tungkol sa kanyang maiuuwing premyo at ngayon nga ay 'di naisakatuparan ang ultimong golden purse. 
 
Tulad ng pagiging abala ni Garcia kung hindi man, sa gayon ay maaaring manatiling abala rin si Errol Spence.
 
Kailangang talunin ni Crawford ang All Time Great upang maihahanay bilang isang ATG mismo.
 
Naniniwala ako na ang laban na ito ay maaari at dapat gawin sa taong ito, ngayong ika-50 anibersaryo ng Muhammad Ali-Joe Frazier I.
 
I-draft na ang mga kontrata at pirmahan ang mga ito.
 
Inaasahang ang Pacquiao-Crawford bout ay isa na namang markadong laban ng taon sa kabila ng hagupit ng pandemya.(LP)