Norman Black, 2 pa pasok sa coaching staff ng Gilas

Norman Black, 2 pa pasok sa coaching staff ng Gilas

Para kay coach Norman Black, hindi na bago para sa kanya ang pagsilbihan ang national team sa internasyunal na arena, ito'y nang muling pagtiwalaan ang sarili bilang isa sa coaching staff ng Gilas Pilipinas. 
 
Ang dalawa pang napili para sa coaching staff sa pangunguna ni headcoach Jong Uichico at program director Tab Baldwin para sa nalalapit na February window ng 2021 FIBA Asia Cup qualfiers ng Gilas Pilipinas ay sina  Rain or Shine head coach Caloy Garcia, at Gilas Youth mentor Sandy Arespacochaga.
 
Magugunitang naging assistant coach si Black kay PBA legend Robert Jaworski sa 1990 Asian Games sa Beijing bago naging head coach noong 1994 Asian Games sa Japan.
 
Siya rin ang nagmanibela  sa Sinag Pilipinas team na kumubra ng gold sa  2011 Southeast Asian Games. Naging assistant sa ilalim ni  coach Chot Reyes sa 2013 FIBA Asia Championship, 2014 FIBA World Cup at ilang unang   windows  sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.
 
"I am happy to be a member of the RP team once again, and I'm looking forward to helping in any way I can in preparation for the next FIBA window. It will be a tough challenge but I think we can get the job done," sabi ni Black sa ESPN5.
 
Habang si Garcia ay muling sasalaminin ang kanyang naging tungkulin sa  2019 FIBA World Cup sa ilalim  ni coach Yeng Guiao.
 
"I'm grateful to be given the opportunity to be part of Gilas again. I will do what I can to help the team in any capacity that I can and the same time to get more knowledge from the coaches," sambit ni Garcia.
 
Si  Arespacochaga ay muling makakasama sa  coaching staff matapos lumiban sa  second window. Bahagi siya ng staff ni  Mark Dickel sa first window.
 
Didiretso ang tatlo sa bubble sa loob ng  INSPIRE Sports Academy sa Laguna, Linggo para sa commence training.
 
Ihu-host ng bansa ang dalawang grupo sa third window sa bubble sa Clark, Pampanga, at haharapin ang  South Korea sa Feb. 18 at 22, at Indonesia sa Feb. 20. Kasalukuyang nasa ituktok ang Pilipinas sa  Group A na may  3-0 kartada.(LP/tv5espn)