Philippine Superliga: Cignal tumersera

Philippine Superliga: Cignal tumersera

Philippine Superliga: Cignal tumersera

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

NAGKASYA ang Cignal  para sa  bronze medal  kasunod ng mariing  25-22, 25-15, 25-17 win kontra  Foton  kahapon sa Philippine Superliga Invitational Conference Ynares Sports Arena,  Pasig City.

 

Minanduhan ni Roselyn Doria  ang balanseng atake  para sa HD Spikers,  na tinagos ang isa pang impresibong pagtatapos ditto sa prestihiyosong prestigious women’s club tournament.

Si Doria, na hinugot ang sapat na ensayo sa national women’s team  na raratsada sa  30th Southeast Asian Games, ay nag-deliber ng anim na attacks, three blocks are 2 aces habang si  skipper Rachel Anne Daquis at Mylene Paat ay may 10 at 9 nine points, ayon sa pagkakasunod , para sa  Cignal, na sinaklot ang  bronze-medal match  matapos humulagpos ang  four-set decision sa F2 Logistics sa semifinals.

Kuminang rin si  Filipino-American setter Alohi Robins-Hardy  na kumatok ng

 14 excellent sets  na may  10 markers na ibinulid buhat sa apat na  kills, three blocks at three aces.

“They really wanted to bounce back from their heart-breaking semis loss last Tuesday,” ani Cignal coach Edgar Barroga, na ang mga alipores ay kampante sa kaagahang parte ditto sa maigsi ngunit napakakompetitibong komperensiya, hanggang sa pumulas sa powerhouse Petron at F2 Logistics sa  crucial stretch.

“They wanted to prove that this is a championship-caliber team. That’s why they played like this.”

Ani  Barroga  para sa kanila ang   bronze medal na nahablot ay para na ring ginto.

“We’re still happy. Although we missed the chance to play in the finals, we’re still happy with this win. They worked hard for this bronze medal.”

Wala sa  Foton ayng nakaratrat ng double figures kasama si Marian Buitre na pinatunayang nag-iisang kumislap sa kawalan ng presensiya ng malaposteng magkapatid na  sina  sisters Jaja Santiago at Dindin Manabat, na kasalukuyang nasa  Japan para sumabak sa  prestihiyong  V.Premier League. (Louis Pangilinan)