Tiger Sands wagi vs  DLSU, Ateneo

Tiger Sands wagi vs  DLSU, Ateneo

Tiger Sands wagi vs  DLSU, Ateneo

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Agad na pinasadahan nina Jaron Requinton at Rancel Varga ng University of Santo Tomas sina Noel Kampton at Vince Maglinao ng De La Salle, 21-12, 21-15, at sina Jian Salarzon at Amil Pacinio ng Ateneo, 21-12, 21-18, para iglap na ilista ang kanilang rekord sa 2-0 sa UAAP Season 85 beach volleyball tournament Sabado sa Sands SM By The Bay.
 
Puntirya ng Tiger Sands  ang ikapitong korona sa torneo. 
 
Nalampasan ng NU, ang second placers noong nakaraang season sa UST, ang mga kapana-panabik na sandali upang imarka din ang 2-0 kartada. 
 
Nag-rally sina James Buytrago at Pol Salvador mula sa second-set loss para talunin sina Dan Nicolas at Erl Eusebio ng University of the Philippines, 21-16, 21-23, 15-11.
 
Kinalaunan ay napagtagumpayan nina Buytrago at Salvador ang unang set na kabiguan kina Vincent Nadera at Michael Bugaoan ng Far Eastern University, 15-21, 21-19, 16-14.
 
Pinabagsak nina Salarzon at Amil Pacinio ng Ateneo sina Francis Casas at Evander Novillo ng Adamson University, 21-18, 22-20, habang tinalo nina Nadera at Bugaoan ng FEU sina Jake Abria at Allen Buensalida ng University of the East, 21-16, 21-11, para tapusin ang unang set ng men's matches. (Louis Pangilinan/UAAP)