Kulang na lang ng isang assist si Kawhi Leonard para sa kanyang unang playoff triple-double at gibain ng Los Angeles Clippers ang Denver Nuggets 96-85 sa Game 4, Miyerkoles ng gabi para umusad palapit sa kanilang unang Western Conference finals.
Pinunuan ni Leonard ang stat sheet ng 30 points, 11 rebounds, 4 steals at dalawang blocked shots. Umiskor siya ng 30 o higit pang puntos ng anim na beses ngayong postseason.
Nagdagdag si Reserve Montrezl Harrell ny 15 points para tulungan ang Clippers na maitala ang 3-1 lead. Puwede nilang idispatsa ang Nuggets Biyernes ng gabi.
Matapos ibulid ang 18-point lead sa ikalawang kanto, kumaripas ang Denver sa Los Angeles at itabla sa 48-48 sa kaagahan ng 3rd. Rumesponde ang Clippers sa bisa ng 21-5 run para humiwalay.
Umangkla si Nikola Jokic ng 26 points at 11 boards para sa Nuggets team na natagpuan ang sarili sa isang all-too-familiar situation. Lagapak sila sa kanilang first-round series kontra Utah bago naging ika-12 tropa sa kasaysayan ng NBA na malagpasan ang 3-1 deficit.
Sumandig ang Los Angeles sa kanilang malupit na depensa, itali ang Denver sa 39.7% shooting at puwersahin ang three shot-clock violations. Hindi nakaungos ang Nuggets sa aksiyon.
Isa sa mga lider sa defensive activity si Paul George, na sinuportahan si Jamal Murray sa 6-of-15 shooting at 18 points. Sumalok si George ng 10 points na kadikit sa 27 minuto habang nasa bingit ng foul trouble.
“We knew that when we were getting him,” wika ni Clippers coach Doc Rivers sa lupit ng depensa ni George. “It gets lost at times, with P.G., because he’s such a great shooter. The better shooter you are the more people forget how good you are defensively.” (LP)