"ReliefAgad" para sa SAP beneficiaries ikinasa ng USAID-DSWD

"ReliefAgad" para sa SAP beneficiaries ikinasa ng USAID-DSWD

"ReliefAgad" para sa SAP beneficiaries ikinasa ng USAID-DSWD

Manila – Ang Estados Unidos, sa bisa ng U.S. Agency for International Development (USAID), sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ay pormal na inilunsad ang “ReliefAgad” web application nitong Mayo 14,  puntiryang  mapabilis ang pamamahagi ng  financial assistance sa mga Pinoy na apektado ng  COVID-19 pandemic.
 
Ang Department of Information and Communications Technology (DICT) and Developers Connect Philippines (DEVCON), sa pamamagitan ng DEVCON Community of Technology Experts (DCTx), ay umaarangkada katuwang ang  DSWD at USAID patungkol sa ReliefAgad.
 
Ang Social Amelioration Program (SAP) ay ang emergency subsidy program ng pamahalaan para sa higit 20 million pamilyang Pilipino na kabilang sa low-income at pinakalaylay na mga sektor na higit na umaaray dulot ng  COVID-19.  
 
Ang mga pinipintuhong benipisyaryo kabilang ang senior citizens, persons with disabilities, pregnant women, single parents, repatriated overseas Filipino workers, indigenous peoples, walang bahay, magsasaka, mangingisda , at mga trabahador na nasa ilalim ng “no work-no pay” na estado. 
 
Ang ReliefAgad ay may kapasidad ang  DSWD at local government units na makaliskis ang detalye ng SAP at mapag-alaman ang mga data para maipaluwal ang paghahatag ng cash assistance sa pamamagitan ng electronic payment systems. 
 
Gamit ang kqnilang smartphones, ang SAP beneficiaries ay puwede na ngayong irehistro ang kanilang social amelioration cards sa ReliefAgad system sa bisa ng kanilang website, www.reliefagad.ph.(Louis Pangilinan)