Covid -19 : Kalbaryo sa sistemang pangkalusugan

Covid -19 : Kalbaryo sa sistemang pangkalusugan

Kalbaryo sa sistemang pangkalusugan

Covid -19 : Kalbaryo sa sistemang pangkalusugan

 Ngayong ang bansa'y nahaharap na dagdag pahirap ng lumalaganap na 
coronavirus, nalalagay din sa panganib ang libu libong pasyenteng may tuberculosis (TB), kung saan laksang mga ospital ay kargado na ng COVID-19 cases. 
 
Ipinagpaliban ng government healthcare workers ang  immunisation programmes, tulad ng para sa  TB at polio, kung saan prayoridad ang pagpuksa kontra coronavirus sa buong bansa.
 
Ayon sa World Health Organization (WHO) 2019 Global Tuberculosis Report, tinatayang 591,000 Filipinos ang dinapuan ng naturang sakit taong 2018, may 26,000 fatalities, kuwentado para sa 6  percent ng 10 million cases worldwide. 
Ang Pilipinas ay nanatiling isa lang sa mga bansa na bilang ng mga kaso ang tumataas taun taon,  at ang karamdaman ay higit na pinangingilagan (stigmatised) sa kabilang nang ito'y napapagaling. 
 
Ang coronavirus lockdown na ipinatupad ni President Rodrigo Duterte noong March 15 ay 'di lamang nag- iiwan nang kawalan ng pagkikitaan bagkus ito din ay mapanganib sa buhay sa apat na miyembro ng kanyang pamilya na dumaranas mula sa  tuberculosis (TB).
 
Ngayon bilang tanging breadwinner, ang kanyang  pamilya ay sumusuong sa kahirapang makakuha ng medisina para  sa TB para sa kanyang may sakit na mister at tatlong anak. 
 
"Transport has been stopped under the quarantine. When I went to collect their medications on Monday. I had a quarantine pass, but the police at the checkpoint said I need a letter from the clinic giving me permission to go to the clinic. But how can I get the letter without going?"
 
Sa kasalukuyan,  ang kanyang anak at asawa ay ubos na ang iniinom na gamot. 
 
Noong April 7, pinalawig ni Duterte ang  lockdown sa Luzon, kabilang ang Metro Manila, na apektado ang tinatayang 57 milyong katao, habang patuloy na nilalabanan ng pamahalaan na masawata ang patuloy na pagkalat ng pandemic.
 
Kaparehong partial lockdowns ang ipinatupad din sa nalalabing bahagi sa bansa ng mga  provincial at town governments, birtuwal na inilagay ang bansa sa higit  104 milyon katao ang nasa ilalim ng quarantine. 
 
Nakapagtala na ang bansa ng higit  4195 coronavirus infections at  221 deaths.