PBA Philippine Cup: Meralco tagilid sa kawalan ni Almazan

PBA Philippine Cup: Meralco tagilid sa kawalan ni Almazan

PBA Philippine Cup: Meralco tagilid sa kawalan ni Almazan

PBA Philippine Cup: Meralco tagilid sa kawalan ni Almazan

 

Magiging masalimuot para sa Meralco ang kawalan ni ace center Raymond Almazan sa pagsabak ng tropa sa PBA Philippine Cup.

Inaasahang hindi makakapaglaro si Almazan sa mga susunod na limang linggo makaraang sumailalim sa operasyon ang kanyang kaliwang tuhod na mag-iiwan sa Bolts na wala ang magaling nilang big man sa pagsisimula ng komperensiya.

Nagtamo ng injury si Almazan sa Game 3 noong Enero kung saan malaki ang espasyong kawalan ng pagkabigo ng koponan.

“Hopefully we will have at least six games before he finally comes back,” sambit ni Meralco coach Norman Black patungkol kay Almazan, na uma- averaged ng 10.2 points, 8.4 rebounds and 1.5 blocks sa 29 games sa Bolts sa nakalipas na season.

Hinugot si Almazan ng Meralco sa umpisa ng nakaraang Commissioner’s Cup sa kalagitnaan ng buwan ng Mayo.

Ang unang anim na asignatura ng Meralco ay kontra sa Magnolia (March 15), Blackwater (March 20), Barangay Ginebra San Miguel (March 22), Rain or Shine (April 1), Phoenix Pulse (April 15) at Alaska (April 19).

Kapag nagkataon, masasalang agad ang Meralco sa hindi pumapabor na iskedyul ng laro kung saan mahaharap sila sa last year’s Philippine Cup finalist Magnolia, Governors’ Cup winner Ginebra at tropang umabot sa semis ng nakaraang All-Filipino - ang Rain or Shine at Phoenix.

Ang Philippine Cup ay siyang nagiging palaging kalbaryo sa Meralco sa kabila ng consistent playoff team sa import-laden conferences.

Hindi pa umabot ang Meralco sa Philippine Cup playoffs mula 2014-15 season, na may 11-33 sa huling apat na pagdaos ng pinakamahalagang torneo sa PBA.

Ang nasabing rekord ay malayo sa pinagsamang marka na 77-60 sa import-laden conferences sa panahon ng kaparehong apat na seasons, umakyat sa tatlong finals appearances sa Governors’ Cup kasama si import Allen Durham.

Umaasa ang Bolts habang wala si Almazan kina veterans Baser Amer at Chris Newsome at sa ikalawang taong paglalaro sa tropa ni Bong Quinto. LOUIS PANGILINAN