Game 3:Ginebra niratrat ang Batang Pier,2-1!  

Game 3:Ginebra niratrat ang Batang Pier,2-1!  

Game 3:Ginebra niratrat ang Batang Pier,2-1!  

Game 3:Ginebra niratrat ang Batang Pier,2-1!  

  • PBA
Ginapas ng Barangay Ginebra ang kanilang pagka-agresibo para tibagin ang 113-88 panalo sa Game Two at pagrolyo ng 132-105 victory para igapos ang 2-1  lead kontra NorthPort sa PBA Governors Cup best-of-five semifinal showdown Miyerkoles sa  Smart Araneta Coliseum. Swabe sa puntusan ang Batang Pier ngunit higit na asintado ang Gin Kings tungo sa pagdikta ng laro matapos ang kanilang   90-124 kabiguan sa pagsisimula ng serye. 
 
Back-to-back champion dito sa torneo nung  2016 at 2017, ang Kings ay nagkalamat na mairatsa ang korona na nahablot ng Magnolia Pambansang Manok nung nakalipas na taon,  ngunut kapag  naipanalo ng Ginebra ang Game Four ngayon o do-or-die Game Five sa Linggo. 
 
"I really didn't expect that. I didn't expect us to play so well, come out and play really well in every facets of the game," ani Ginebra coach Tim Cone sa 27-point blowout win kasunod ng 25-point rout sa nakaraang laro. 
 
"I thought we would be in trouble as (Michael) Qualls was out of this world, from another planet in the beginning. But we wear him down with out depth. Coming out of the half, they're sluggish, and we got the ball that we really didn't get early," ani pa Cone.
 
Tatlong games sa serye, at ang lalim ng Kings ay tunay na nararamdaman para sa Batang Pier.
 
"Our depth came to the front," wika ni Cone, na anya'y nagawang magpasiklab ng reserbang si  Jeff Chan buhat sa bench at humarurot sa  second period.
 
Umiskor si Chan ng 11 sa kanyang 14 points sa ikalawang kanto at sindihan ang atake na naghatag sa  Ginebra ng 16 points lead, 64-48, sa kalagitnaan.
(Louis Pangilinan)
photo by PBA.PH