McDaniels binitbit ang KaTropa kontra Bolts

McDaniels binitbit ang KaTropa kontra Bolts

May malaking misyon si KJ McDaniels para sa KaTropa at hindi nya 'to binigo. 
 
Iniatang ng dating Houston Rocket sa kanyang balikat ang TNT para igapos ang 103-94 panalo laban sa  Meralco Linggo sa simula ng kanilang PBA Governors Cup quarterfinals serye sa Big Dome. 
 
Pumukol si McDaniels ng 33 sa kanyang gamehigh 38 points sa huling tatlong yugto at dagdag din ang 14 rebounds, tatlong hatag at tapal na nagsilbing nagmando ng liderato para sa KaTropa diretsong makauna sa duwelo ng best-of-five.
 
Resulta ng maalab na aksiyon para makaungos ang TNT, 87-65 bago ang maalwang pagbalya sa huling atake ng  Bolts sa huling kanto.
 
"We're glad we won because Game 1 of any series is very important," bulalas ni TNT coach Bong Ravena, aniya pa'y ang resulta ng laban ay hindi ang tunay na batayan kung paano igagapang ang serye. 
 
"Nothing to celebrate," litanya ni Ravena. "Game 1 lang iyan, mahaba pa series."
 
Ang pangunahing alalahanin ni Ravena ay si Meralco import Allen Durham, na kumambyo ng  32 points at 21 rebounds at tinangkang bumalik ng  Bolts sa laro.
 
"We have to find ways to stop Durham. Iyan problema namin so gagawan pa namin paraan," ani  Ravena.
 
"Kailangan mo siyang ano talaga... ma-limit score niya," dagdag ni Ravena. "If we can stop Durham mas easier para sa amin. We have to make stops, especially sa kanya."
 
Sa katunayan si Allein Maliksi at Chris Newsome ang tanging iba pang double-digit scorers ng Meralco kung saan ang huli ay inabatan lang dalawang baskets hanggang sa huli matapos isabog ang 12 points sa unang kabanata. 
 
Dagdag si Roger Pogoy ng 18 points at Jayson Castro na may panibagong maalab na laro sa kanyang all-around game na 17 points, eight rebounds at seven assists na umayuda sa kinakailangang suporta sa kanilang import.  (Louis Pangilinan)