Batang Pier pinasan ang Road Warriors sa 3-OT, entra sa semis vs Ginebra

Batang Pier pinasan ang Road Warriors sa 3-OT, entra sa semis vs Ginebra

Batang Pier pinasan ang Road Warriors sa 3-OT, entra sa semis vs Ginebra

  • PBA
 
Nagsilbing Mr. Ironmen sina Christian Standhardinger, Michael Qualls at Sean Anthony para sa NorthPort, na pawang lumaro ng ekstra oras at itumba ng Batang Pier ang NLEX Road Warriors sa matigtig na triple-overtime do-or-die actions para makausad sa PBA semifinals sa ikalawang pagkakataon sa kasaysayan ng kanilang prangkisa. 
 
Si Standhardinger, Qualls at  Anthony ay pawang may bultong iskor para dalhin ang NorthPort sa kanilang balikat matapos maisahan ang Road Warriors, 126-123, na nagmistulang wala nang puknat na bakbakan. 
 
Pero sa huli'y inilista ng Batang Pier ang mala epikong kuwento,  para ipangko ang ikaapat na posisyon walong seeded team PBA playoffs history para idispatsa ang  top seed.
 
Maipanalo ang ikaapat na sunod na  do-or-die match buhat sa elims, si coach Pido Jarencio at kanyang tropa ay usad sa semifinals ng PBA Governors' Cup versus coach Tim Cone at kanyang Barangay Ginebra Kings.
 
Hinamig ni Standhardinger  33 points, 23 rebounds at seven assists sa malabakal na 61:02 minuto na aksyon, tumipa si Qualls ng 31 markers, 21 boards, five blocks at four dish-offs sa 61:48 pagbabad habang si  Anthony ay pumalakol ng  30 points at 11 rebounds.(Louis Pangilinan)