KaTropa tinusta ang Hotshots,  umareglo ng semis face-off kontra Bolts

KaTropa tinusta ang Hotshots,  umareglo ng semis face-off kontra Bolts

KaTropa tinusta ang Hotshots,  umareglo ng semis face-off kontra Bolts

  • PBA
 
Walang nangyaring  grand slam para sa San Miguel Beer, at wala ding PBA Governors Cup title repeat para sa Magnolia Pambansang Manok.
Binakli ng TNT KaTropa ang asam na  title-retention na kampanya ng Magnolia nang umariba ang kampo ni  Jayson Castro at kanyang katropa ay humalibas buhat sa 15 points pagkakalugmok sa kaagahan ng huling yugto para agawin ang 98-97 panalo at umusad sa final four ng season-ending tourney, Lunes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
 
Dapa pa ang KaTropa ng siyam na puntos pausad sa huling dalawang minuto pero nagsanib puwersa sina  Castro, KJ McDaniels at Troy Rosario para tabasin ang lupit ng 9-0 pasabog at kinawag ni Bobby Ray Parks ang maalab na ratsada sa huling pitong segundo tungo sa dramatikong panalo at ihatid ang TNT sa semifinals kontra Meralco.
 
Umaklas ng 25 puntos si McDaniels, kumalawit ng 17 rebounds at selyuhan ang kanyang pagrampa ng isang supalpal sa huling opensiba sa ilalim ni Magnolia import Romeo Travis.
 
At sa 1.1 tikatik na lang, hindi na nagawang kumawag ng matino ang Hotshots na naging hudyat nang pagsuko sa kanilang dominasyon dito sa ligang kanilang napanalunan kontra Alaska Milk Aces nung nakalipas na taon. 
 
Pinatunayan ni Castro ang laki ng kanyang puso at susi para sa TNT sa kanyang pagbalik buhat sa pagkakasakit. 
 
Kinurap niya ang tres na sinaluhan ng dalawang libreng buslo at umiskor ng breakaway layup buhat sa steal para pagdingasin ang  30-point game at paghilakbot ng TNT na makabalik hanggang sa huli ng giyera. (Louis Pangilinan)