Meralco nilupasay ang San Miguel,  125-99!

Meralco nilupasay ang San Miguel,  125-99!

Meralco nilupasay ang San Miguel,  125-99!

  • PBA
 
Ni Louis Pangilinan 
 
Maagang namaalam sa laro si Dez Wells ng SMB nang aksidenteng mabisaklat ang kanyang bukong bukong kagyat na matapakan niya ang paa ni Chris Newsome habang bitbit ang bola may 6:15 minuto sa ikalawang yugto 
ng laban. 
Buhat dito ibinangko na ng tropa ni coach Leo Austria ang naturang import matapos ang first half kung saan angat na ang Bolts,  64-4,.
 
Hindi na nagawang makabalik sa laro ni Wells para sa sumunod na kabanata kung saan nilaguan ng yelo ang kanyang ankle sa San Miguel dugout.
 
Una rito maalab ang laro ni Wells na kumayod ng 56-points sa laban nila kontra NorthPort bagamat  bigo din nung Miyerkoles para malaglag ang Beermen sa 5-2 kartada. 
 
Panobagong triple-double job ang ikinabit ni Allen Durham para dalhin ang Bolts sa tersera puwesto sa likod ng TNT KaTropa (7-1) at NLEX Road Warriors (6-1). 
 
"We're trying to get better and improve, and we came out tonight with a good shooting performance," sambit no  Meralco coach Norman Black. 
 
Komolekta si Durham ng 29 points, 15 rebounds at 11 assists , habang nagpasabog si Amer Basser ng 26 points na sinaniban ng apat na tres, dagdag si Allein  Maliksi ng 12 markers sa 2-of-6 triples sa kanyang unang laro bilang Bolts.