Team Ph pasisiklabin ng MILO, PHISGOC

Team Ph pasisiklabin ng MILO, PHISGOC

Team Ph pasisiklabin ng MILO, PHISGOC

Team Ph pasisiklabin ng MILO, PHISGOC

Pormal na inihayag kahapon ng MILO Pilipinas at Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) ang kanilang kampanya para sa nalalapit na paghataw ng 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.
Isinagawa ang makasaysayang pagsasanib-pwersa sa Conrad Hotel Manila kung saan ay misyon ngayon ng MILO ang 'advancement' ng local sports at pangakong mapalakas ang kabuan ng Team Pilipinas upang maging kampeon.
 
Dumalo sa press conference sina Veronica Cruz,  Vice President,  Nestle Philipines-MILO; Lester P. Castillo,  Assistant VP,  Nestle Philippines-Milo; Hon. Alan Peter Cayetano, PHISGOC Chairman; POC President; PSC Commissioner Ramon Fernandez (kumatawan kay PSC Chairman at SEA Games Chef de Mission William "Butch" Ramirez,  at PHISGOC COO Ramon "Tats" Suzara,  pawang nagsibigay ng kanilang magkakaparehong pananaw upang mas paangatin ang nasyon at suportahan ang mga atleta na ipiprisinta ang bansa sa ilalim ng isang kataga "LABAN PILIPINAS".
 
Sumaksi rin sa napakalaking okasyon ang national athletes at MILO Sports Program graduates at ambassadors Alyssa Valdez (MILO champion-volleyball),  Pauline Lopez (taekwondo) at Kiefer Ravena (MILO BEST Center- basketball),  nagparating din ng kanilang mga naging inspirational stories simula sa MILO sports programs nang mga bata pa sila at ngayon ay ipiniprisinta na ang bansa sa global stage. Sumagi sa kanila ang positibong epekto ukol sa napakatinding suporta ng crowds na labis na nagpalakas sa kanila sa bawat kompetisyong sinadabakan.
 
 Ang tema sa taon na ito " We Win As One",  ay nagseselebra ng pagkakaisa sa 'diversity and herald' para sa importansiya ng teamwork at sportsmanship sa kabuuan ng Filipinos at mga kalapit bansa sa rehiyon. Ito'y nakalinya sa pamagitan ng 'lifelong values' na natutunan sa sports na sadyang tinutukan ng MILO para sa kanilang grassroots programs (kasama ang MILO Sports Clinics,  MILO Little Olympics,  MILO Barangay Liga,  MILO Champ Camp at National MILO Marathon) dagdag pa ang tunay na kahulugan upang maging kampeon sa sports at mga sarili mula sa kanilang champions,  ambassadors at partners.
 
"As a longtime supporter of Philippine sports,  it is wirh great honor and privilege that MILO comes in as a gold partner for the hisoric 30th SEA Games, " paliwanag ni VP Cruz." As our athletes and local sports communities continueto work hard in the preparation for the SEA Games,  we want to help energize the country to cheer them on and let them know that we are all with them in defending our homecourt,  win or lose."
 
" In this significant time for Philippine sports,  we must push all our endeavors to its advancement. MILO,  who have tirelessly workef with to promote sports development and values formation at the grassroots level nationwide, has long made valuable contributions to the  Filipino sporting community. We are happy to declare our partnership with MILO to strenghten our international footholdvin sports and to " Win as One" as we energize a nation of champions. Laban Pilipinas!".