Sports equipment para sa SEA Games sakto lang sa oras - Ramirez

Sports equipment para sa SEA Games sakto lang sa oras - Ramirez

Sports equipment para sa SEA Games sakto lang sa oras - Ramirez

Sports equipment para sa SEA Games sakto lang sa oras - Ramirez

Trinatrabaho ng todo ng Philippine Sports Commission (PSC)  para masiguro lang na ang lahat  ng  sports equipment na kailangan para hosting ng bansa sa 30th Southeast Asian Games ay maideliber sa tamang oras.
 
Sinabi ni PSC chairman William “Butch” Ramirez kahapon na ang  task force na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa Philippine Olympic Committee (POC), Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) at ng PSC ay nasa masusing konsultasyon kasama ang iba't ibang  national sports associations (NSAs) para paspasan ang proseso ng pagkuha ng mga kagamitang gagamitin sa biennial games. 
 
Sa katunayan, nagpulong ang komite sa mga NSA officials mula sa billiards, ice skating, dancesport, shooting at windsurfing nung Miyerkoles para talakayin ang pagkuha ng kanilang mga sport equipment, kasama ang suppliers, specification at compliance ng kanilang respektibong  international federations.
 
Sa kasalukuyan, tanging 11 buhat sa 57 participating NSAs ang may kanya kanyang respektibong equipment na nai-deliver na .
 
Ang natitira ay nasa proseso pa ng konsultasyon may dalawang buwan na lang bago rumatsada ang SEAG. Gayunman, tiniyak ni  Ramirez na ang lahat ay mai-dedeliber sa tamang panahon
 
“We’re looking at having everything delivered in our warehouse by November 15,” ani Ramirez, na siya ring chief of mission ng Team Philippines.
 
“The cooperation among the PSC, POC and PHISGOC is very solid and they are doing a good job screening all the equipment requirements and other requests of the NSAs. The SEA Games task force had gone full blast. We expect everything to be done by next week.”
 
Ang mga equipment na kailangang dapat pang bilhin ay ang sa shooting, rowing, athletics, weightlifting, wrestling at gymnastics na may pinakamamamahal na mga gamit.
 
Kinapapalooban halos ng guns and ammunition at construction ng competition at practice ranges sa Subic at sa Philippine Marines headquarters sa Taguig, shooting’s equipment ay may halagang P73.9 million habang sa rowing’s equipment ay P58.5 million, athletics  P43.1 million, weightlifting ,  P35 million, wrestling P33.3 million, at gymnastics ay P33.1 million.
 
Ilan sa nga pinaka- affordable ay ang surfing na may P549,000, squash,  P535,000, netball,  P1 million, taekwondo sa P2.2 million, chess sa P2.3 million, jiu-jitsu ay may  P2.3 million at triathlon sa halagang P3.9 million. (Louis Pangilinan)