Habang papalapit na ang kapanapanabik na opening day sa paghu-host ng bansa ng 30th Southeast Asian Games sa November, ang asam na ma -replica ang top-spot finish noong 2005 ay nasa tuktok na ng preparasyon.
Ipinaalala ng Philippine Sports Commission nung Miyerkoles na ating hinaharap ang dalawang malaking hamon dito sa SEA Games edition, isa ay ideliber ang efficiently-run, well-executed event bilang hosts at ang ikalawa ay mag-perform ng pinakamahusay bilang participating-delegation sa Games.
Sa nakaraang pahayag ni PSC chairman Butch Ramirez ang PSC ay handa na at ilalatag ang buong suporta sa kapwa pagpupunyagi at adhikain.
Ang ahensiya sa sports ay may alokasyong P600 million ngayong taon bilang suporta sa SEAG-related trainings, competitions at gastos ng national sports associations, may karagdagan pang panibagong P600 million para sa training supplies at equipment.
“There will be a substantial amount of money which will be spent for our national team as well as for the hosting,” ani Ramirez dagdag pa na sinisiguromg maipamalas ang magandang event “our final ranking is less within our control since the preparation of our opponents from other countries as well as their own sports landscape ultimately affect what we will see on the medal tally.”
Nandun pa rin ang malaking
pressure sa paghablot ng overall championship crown bilang ekspektasyon buhat sa iba't ibang grupo. Sinisiguro ni Ramirez na ang Team Philippines ay buong puso at dedikasyong ibigay ng todo ang kanilang pinakamagaling na performance konsiderang ang bibihirang pagkakataong makapaglaro sa astig na kompetisyon sa harap ng kanilang. sariling kababayan.
“I have faith in our national athletes. Lahi tayo ng mga bayani,” deklara ng Chef de Mission.
“I value the values that will result from their participation in this Games. The discipline, dedication and patriotism that this will awake in their spirits are as valuable as gold,” paliwanag pa ni Ramirez. (Louis Pangilinan)