Ginebra nagising; Dyip binalandra ang Beermen

Ginebra nagising; Dyip binalandra ang Beermen

Ginebra nagising; Dyip binalandra ang Beermen

Mga laro bukas
(Smart Araneta Coliseum)

04:30 PM -Columbian vs. NorthPort
07:00 PM - RoS vs. TnT

Matapos mabigo sa Phoenix Pulse noong Biyernes, agad na bumalikwas ang kampo ni Ginebra coach Tim Cone buhat sa kanyang inaasahang mga alipores.

Kumaldag si Justine Brownlee at apat na iba pang Ginebra starters para itagay ng Gin Kings ang panalo kontra Alaska Milk Aces, 118-106,at akuin ang solo ikalimang puwesto Linggo ng gabi sa PBA Commissioner's Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Muling lumagok si Brownlee ng triple-double performance, (27 pts.,14 rebounds, 8 assists) naghatag si Stanley Pringle ng kanyang pinaka eksplosibong laro para sa Gin Kings, hindi naman matatawaran ang pulidong atake nina LA Tenorio at Japeth Aguilar na may tig-22 puntos.

Tumuldok lang ng pitong baskets si Joe Devance kabilng ang limang kalawit pero ramdam ang kanyang presensya sa depensa.

"Big thing was team effort," wika ni Pringle, na bumulwak ng 27 points at walong assists para maging isa sa mga sandigan ng pagmanibel ng kanilang 5th win sa apat na kabiguan.

Nagpasalamat din si Pringle sa kanyang katropa sa paglipat buhat sa NorthPort.

"We're coming along well as they're helping me, they're teaching me and they're showing me the way," aniya.

Laglag naman ang Aces sa 4-5 kartada.


Sa unang ratsada, humapit ang Columbian sa limang ekstra minutong yugto para iwaksi ang tatlong sunod na kabiguan at makaaninag ng oportunidad sa quarterfinals.

Binalikat ni import Lester Prosper ang 40 points, 13 rebounds at 3 assists para gatungan ang Dyip na ibalandra ang San Miguel Beermen sa overtime, 134-132.

Ginapos na ngayon ng Columbian ang kanilang ikalawang panalo sa walong laro habang nalasap ng San Miguel ang pa­ngalawang dikit na kabiguan para sa 2-5 karakas. (Louis Pangilinan)

Photo credit : ESPN