Batang Pier laban sa Phoenix

Batang Pier laban sa Phoenix

Batang Pier laban sa Phoenix

Ni Louis Pangilinan

(Araneta Coliseum)

4:30 pm - Phoenix vs NorthPort

7:00 pm Magnolia vs San Miguel

Sa kabila nang hindi gaanong impresibong paglalaro na ipinapamalas ni NorthPort import Prince Ibeh, tila hindi naman na aalarma si Batang Pier tactician Pido Jarencio.

Magsisilbing pader pa rin si Ibeh sa pagharap ng tropa kontra Phoenix Fuel Masters, alas 4:30 ng hapon sa game 1 bago ang mainer sa pagitan ng sister team Magnolia vs San Miguel, 7:00 pm.

May malamyang performance ang 6-9 sentrong si Ibeh maging sa offensive stats nito, pero paniwala ni Jarencio angkop lang sa hinahanap ng tropa ang tulad ng naturang import. At anya hindi nanahimik kung bakit angat sila ngayon sa kartadang 7-1 baraha sa kasalukuyang Commissioner's Cup.

Ang 25 year old London born-Nigerian parents na si Ibeh ay nag-averaged ng 13.4 points, 16.8 rebounds, 3.4 blocks at 39 minutes sa loob ng walong asignatura. Umariba sa shooting ng 59.7 percent sa field at 16.1 percent sa linya, 9-of-56.

Papalakasin ang NorthPort ng mga bagong saltang sina ex Gins Kevin Ferrer at Jervy Cruz na may personal season high na 23 at 16 points ayon sa pagkakasunod sa kanilang paggiba sa Blackwater, 127-99.

May 14 puntos naman si Sol Mercado, ang isa pang player na napasama buhat sa isinagawang trade sa pagitan ng Batang Pier kapalit ni Stanley Pringle para sa Barangay Ginebra.

Magsisilbing gabay pa rin sina Batang Pier Sean Anthony, 22 points, at rookie Robert Bolick, na muntik nang mag triple double sa kanyang 16 points, 9 rebounds at 10 assists.

Muli namang aasa si Phoenix coach Louie Alas sa astig na sina Calvin Abueva, Alex Mallari, RJ Jazul, LA Revilla, Jason Perkins at Mathew Wright. (Louis Pangilinan)