Buboy kay Pac - Bawal Magkasakit

Buboy kay Pac - Bawal Magkasakit

Buboy kay Pac - Bawal Magkasakit

Ni Louis Pangilinan

Isang kapanapanabik na mga undercard ang papailanlang bilang pangsuporta sa matinding gabi ng boxing ng Sabado, Hulyo 20 buhat sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas kabilang na ang minsang lang nakatikim ng talo na si Austin Dulay (13-1, 10 KOs) at Justin Pauldo (12-1, 6 KOs) na maghaharap sa eight-round lightweight fight.

Magbabalik din si unbeaten rising prospect Rolando "Rollie" Romero (9-0, 8 KOs) sa 6 o 8 - round lightweight bout, habang si welterweight Abel Ramos (24-3-2, 18 KOs) ay aakyat sa lona para sa eight-round fight. Kukumpleto ang card ng trio ng mga Filipino contender kung saan si Genesis Libranza (18-1, 10 KOs) ay sasagupa sa eight-round flyweight bout, Jayar Inson (18-2, 12 KOs) raratsada sa eight-round welterweight affair at John Leo Dato (11-0-1, 7 KOs) ay aakyat sa ring para sa six-round featherweight bout.

Gagawin naman ni IBF Super Middleweight World Champion Caleb "Sweethands" Plant ang unang pagdepensa ng kanyang titulo kontra unbeaten contender Mike Lee sa main event.

Photo Credit: Mike Q
Photo Credit: Mike Q

Bawal Magkasakit! “That only means one thing. That if Manny’s goal in running at Griffith is to improve his leg power and stamina, then, he’s already got it,” sambit ni Nonoy Neri, assistant kay chief trainer Buboy Fernandez.

“And that we’re right in our earlier assessment that Manny is in near perfect condition to fight,” sabi pa ni Neri . “Then we have to do away already the more rigorous plyometric system of conditioning and revert back to the more simple way of doing it.”

Ang pahayag ni Neri ay patungkol sa nalalapit na banggaan ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao laban kay Keith Thurman sa July 20 sa MGM Grand Arena, Las Vegas.

Sang-ayon naman si Buboy na aniya'y “If the boxing aspect of preparation is already there as we have been saying and the conditioning aspect is there, too, kailangan natin mag-ingat.”

Photo Credit: Mike Q
Photo Credit: Mike Q

Wika ni Buboy pinagsasabihan niya si Pacquiao na ingatan niya ang kanyang kalusugan. Bawasan niya ang kanyang non-boxing activities. Kalimutan muna ang basketball habang siya'y nag -eensayo.

“Mabuti naman at sinusunod niya ako,” litanya ni Buboy, dagdag pa na ang isa pang bagay na gusto niyang makita kay Manny ay ang bawasan ang pagtanggap ng mga bisita sa kanyang tirahan.

“Observe curfew hours imposed by his security. And to the visitors, including members of Team Pacquiao to refrain staying at Manny’s house up to the wee hours of the morning,” apela niya.

Gayundin, pinaalala din ni Buboy sa kanyang mga tagasuporta at kaibigan at maging kamag-anakan sa ganitong yugto ng preparasyon: If you’re not feeling well, say, you have fever, cough cold, please refrain from visiting him at baka mahawa pa ninyo siya, " pagbibiro niyang sinabi.(Louis Pangilinan)