Blue Eagles rumesbak sa Game 2, 65-55!

Blue Eagles rumesbak sa Game 2, 65-55!

Blue Eagles rumesbak sa Game 2, 65-55!

 
Rumampa pa ang Ateneo de Manila sa University ang University of the Philippines, 65-55, para dalhin  ang UAAP Season 85 men's basketball Finals sa do-or-die Game Three  Miyerkules sa harap ng 20,616 fans sa Smart Araneta Coliseum.
 
Nakabangon si Kai Ballungay mula sa scoreless sa Game One na may 15 puntos sa 7-of-10 clip mula sa field, habang nagpista si Ange Kouame na may 19 puntos, 11 rebounds, tatlong block, at tatlong steals.
 
"We lived to fight another day. Both of these teams, our monickers are something about fighting. Everybody saw what sports fighting is about tonight," sambit ni Blue Eagles head coach Tab Baldwin.
 
"That's the kind of game that we all sort of expect in the Finals," patuloy niya. 
 
Nanguna ang Ateneo ng hanggang 15 may 6:11 na natitira sa laban matapos ang layup ni Kouame ngunit nagawanh manlaban ng Fighting Maroons.
 
Humugot si Carl Tamayo ng limang sunod na puntos sa isang triple at isang mid-range jumper, habang si Terrence Fortea ay nagko-convert din mula sa ilalim upang ibalik ang UP sa loob ng single digit may 4:46 na lang, 54-63.
 
Ngunit sa natitirang bahagi ng aksyon, ang Fighting Maroons ay humaplit  lang ng isang puntos mula sa isang nahati ni Tamayo mula sa linya.
 
Iniwan ni Zavier Lucero ang laro sa markang 8:31 ng fourth frame matapos masalubsob ang kanyang kaliwang tuhod. Hindi na siya nakabalik sa laro, nagtapos na may anim na puntos at 11 rebounds.
 ( Louis Pangilinan/UAAP)
 
 
Iskor:
 
Ateneo 65 -- Kouame 19, Ballungay 15, Padrigao 11, Daves 6, Chiu 6, Ildefonso 3, Gomez 2, Lazaro 2, Koon 1, Quitevis 0, Andrade 0.
 
UP 55 -- Tamayo 15, Cagulangan 11, Fortea 9, Lucero 6, Alarcon 5, Abadiano 4, Diouf 2, Galinato 2, Spencer 1, Gonzales 0, Calimag 0, Lina 0.
 
Quarters: 20-19, 41-33, 57-44, 65-55.