SINGSON: Nakapokus sa mga bentahe at epekto ng lumalagong  lokal na industriya ng kape

SINGSON: Nakapokus sa mga bentahe at epekto ng lumalagong  lokal na industriya ng kape

SINGSON: Nakapokus sa mga bentahe at epekto ng lumalagong  lokal na industriya ng kape

LUMAHOK si Ilocos Sur Vice Governor Ryan Luis V. Singson  sa ginanap na Sustainability Coffee Forum na inorganisa bilang bahagi ng mga aktibidad ng Kape de Ylocos Robusta Trade fair noong Lunes, Oktubre 24, sa Provincial Farmers Livelihood Development Center.
 
Hangad ni Vice Gov Singson na tumutok sa mga pakinabang at epekto ng lumalagong lokal na industriya ng kape sa mga tao, lugar at ekonomiya. "Ang Sangguniang Panlalawigan ay bubuo ng mga patakaran at alituntunin na makakatulong sa pagpapabuti ng kalidad ng ating mga lokal na produkto ng kape," aniya.
 
 
Pinaalalahanan din niya ang mga kalahok na laging pangalagaan ang kapaligiran at tiyakin ang sustainable economic development ng mga coffee farmers at stakeholders.
 
Bukod dito, kinilala ni Singson ang pakikipagtulungan ng Department of Agriculture at Department of Trade and Industry (DTI) para sa pagkakaloob ng kinakailangang tulong teknikal gayundin ang ISEED Marketing Inc., Provincial Planning and Development Office at Provincial Agriculture Office para sa pag-oorganisa ng nasabing gawain.
 
Dumalo rin sina Provincial Administrator Marlon Tagorda, DTI Region I Assistant Regional Director Grace Lapastora, Department of Science and Technology Provincial Director Eng’r Jordan Abad, Sangguniang Panlalawigan Member Christopher Baterina at Provincial Agriculturist Erlinda Baltazar.
 
 
****
 
Photo caption- VICE GOV. RYAN NAG-KALOOB NG AYUDA  SA MGA PROGRAMA NG SK 
 
Nagbigay ng tulong pinansyal si Ilocos Sur Vice Governor Ryan Luis V. Singson sa iba't ibang programa, proyekto, at aktibidad (PPA) ng Sangguniang Kabataan (SK).
 
Sumusuporta ang dating Gobernador sa pagpapatupad ng mga PPA ng SK sa buong lalawigan para matulungan ang mga kabataang mailayo mula sa masasamang bisyo.