ILOCOS SUR PASOK SA TOP 10 LIST NG PINAKAMAYAMANG PROBINSIYA SA PILIPINAS

ILOCOS SUR PASOK SA TOP 10 LIST NG PINAKAMAYAMANG PROBINSIYA SA PILIPINAS

ILOCOS SUR PASOK SA TOP 10 LIST NG PINAKAMAYAMANG PROBINSIYA SA PILIPINAS

 
Panibagong prestihiyong karangalan ng mga  Ilocosurians. Sa kabuuang asset na 17.399 bilyon pesos, nakapasok ang Probinsiya  ng Ilocos Sur sa 2021 top 10 list ng mga pinakamayayamang lalawigan sa Pilipinas.
 
 
Inilabas noong Oktubre 10 ng Commision on Audit 2021 Financial Report, ang Ilocos Sur ay nasa  pampitong puwesto sa likod ng powerhouse provinces ng Cebu, Rizal, Batangas, Davao de Oro, Bukidnon, at Negros Occidental na nasa una, pangalawa, pangatlo, pang-apat, panglima. , at ikaanim ayon sa pagkakasunod.
 
 
Dagdag dito, ang Iloilo at Isabela ang umangkin ng pangwalo at pangsiyam na posisyon habang ang Palawan ay nakuha ang  10th spot.
 
Bukod dito, ang Local Government Units ng Santa Maria at Cabugao din sa Ilocos Sur ay nakapasok sa listahan ng top 10 wealthiest municipalities matapos na bumagsak noong 2020. Ang Santa Maria ay nakakuha ng kabuuang asset na 3.044 bilyon pesos habang ang Cabugao ay nagtala ng 2.967 bilyon pesos.
 
 
Ang Ilocos Sur at ang dalawang munisipalidad nito ay nakipagkarera  sa 80 iba pang lalawigan at 1,486 na munisipalidad.
 
 
Photo caption - The Office of Vice Governor Ryan Singson acknowledged the effort of the Philippine Drug Enforcement Agency led by Region 1 Director Ronald Allan Ricardo and PDEA Provincial Director Anabel Cabarles in their fight against illegal drugs especially in the province of Ilocos Sur.

Vice Governor Ryan Singson assured his all out support with their goal intensifying information, sustaining and declaring more drug cleared barangays and guarding the coastal areas to avoid transit.