SINGSON nahirang bilang bagong UNP Alumni Prexy

SINGSON nahirang bilang bagong UNP Alumni Prexy

SINGSON nahirang bilang bagong UNP Alumni Prexy

 
Sama-sama, tatayong papagaspas nang mas mataas. Sama-sama tayong bumuo ng karakter. Sama-sama tayong lumikha ng hinaharap.
 
 
Ito ang umaalingawngaw na mga kataga para kay Ilocos Sur Vice Governor Ryan Luis V. Singson matapos ideklara bilang bagong presidente ng University of Northern Philippines Federated Alumni Association (UNP-FAA) noong Oktubre 16, 2023 sa pressure-packed Tadena Hall, UNP .
 
  
“Thank you for placing your trust and confidence in me to assume the office of the UNP-FAA,” ani Singson .
 
Nangako si Singson, na tinaguriang Busy Governor, ay maghahatid at magpapatupad ng mga programa, proyekto, at aktibidad na ang interes ay para sa mga mag-aaral, guro at non-teaching personnel, alumni at stakeholders ng UNP.
 
 
Ang mga sumusunod ay binubuo ng UNP-FAA: Ryan Luis V. Singson (Presidente), Ferdinand J. Lamarca (V. President), Joel Pilotin (Secretary), Bernard Oliver Arde (Asst. Secretary), Renato Navarro (Treasurer), Charles Dansen Rosario (Asst. Treasurer), Carl Vincent Quitoriano (Auditor), Gabby Castaneda (PRO) at Redentor Rojas at Jackie Quatchon (Business Managers).
 
Bago ang kaganapan, si Singson na nagtapos ng kanyang Masters Degree sa Public Administration, ay hinirang bilang presidente ng Open University ng institusyon. Ito ang daan para maging kuwalipikadong tumakbo bilang pangulo sa UNP-FAA at  kumbinsidong manalo. Louis Pangilinan