Pakatutukan ang UAAP Season 85 at PBA Commissioner's Cup

Pakatutukan ang UAAP Season 85 at PBA Commissioner's Cup

Pakatutukan ang UAAP Season 85 at PBA Commissioner's Cup

MGA LABAN SA UAAP AT PBA, PATULOY NA MAPAPANOOD ABROAD SA iWANTTFC
 
Patuloy na mapapanood ng mga Pinoy abroad ang mga matitinding tapatan sa hardcourt dahil palabas pa rin ngayon sa iWantTFC ang mga laro sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at Philippine Basketball Association (PBA).
 
 
 
Sa pagbubukas ng ika-85 na season ng UAAP, tampok muli ang mga mahuhusay na collegiate players sa iba't ibang unibersidad habang buhay na buhay muli ang school pride ng mga masusugid nitong fans.
 
 
 
Kasalukuyang lumalarga na ang men's at women's basketball tournaments nito, kung saan tatangkaing muli ng UP Fighting Maroons ang kampeonato matapos ang matagumpay nitong kampanya noong isang taon. Hindi rin pahuhuli ang NU Lady Bulldogs na patuloy buhayin ang undefeated streak nito magmula 2014.
 
 
 
Samantala, may resbak namang import players ang bawat koponan sa PBA para sa kasisimulang Commissioner's Cup, tampok sina Justin Brownlee, Earl Clark, Quincy Miller, Lester Prosper, Nick Rakocevic, Cameron Oliver, Thomas Robinson, at iba pa.
 
 
 
Pero, mas titindi ang kompetisyon sa hardcourt sa pagdating ng foreign guest team na Bay Area Dragons, sa pangunguna nina Andrew Nicholson, Myles Powell, at ng 7'5" big-man nitong si Liu Chuanxing.
 
 
 
Mapapanood ng mga Pinoy abroad ang UAAP Season 85, 15 minutes pagkatapos magsimula ang live local broadcast, tuwing Miyerkules, Sabado at Linggo ng hapon para sa men's basketball games at tuwing Sabado at Linggo ng umaga para sa women's games sa iWantTFC Premium, available para sa mga subscriber sa labas ng bansa. (Louis Pangilinan/iWantTFC)