Sabandal dinagit ang unang panalo   para sa Adamson kontra UE, 74-61

Sabandal dinagit ang unang panalo   para sa Adamson kontra UE, 74-61

Sabandal dinagit ang unang panalo   para sa Adamson kontra UE, 74-61

 Sa wakas, nailista na  ng Adamson Falcons ang unang panalo sa UAAP Men' s basketball tournament, nang ilugso ang University of the East, 74-61 , Sabado sa Smart Araneta Coliseum.Nagsilbing matikas na bagwis ng Soaring Falcons ang kisig ni Joem Sabandal na maagang umalpas sa kaagahan ng huling kanto ng giyera sa pagbitbit ng 12-3 panimula buhat sa dikitang  49-45 iskor tungo sa pagbiyak ng 61-48 kalamangan, may 6:34 sa fourth.

 

Nagawang kumagat ng  Red Warriors sa siyam na puntos ang iskor, 67-58, pero winasiwas ni Vince Magbuhos ang huling pasabog sa pagputok ng limang magkakasunod na baskets, para muling ilayo sa katorse ang angat, 72-58, patuldok ang oras sa 2:07.

Malaking kaginhawan para sa punong abalang  Adamson sa pag-iskor ng unang tagumpay matapos ang 0-2 panimula sa ligang nagbabalik ang aksiyon sa unang pagkakataon sa Big Dome sa loob ng tatlong season.

 

Batak si Sabandal ng 16 puntos, apat na rebounds, at dalawang asiste habang si Jerom Lastimosa ay nag-ambag ng 11 points, pitong assists, at tatlong kalawit.

Hindi rin nagpabaya ang karamihang  sundalo ng Soaring Falcons kasama na sina Magbuhos na naghatag ng siyam na baskets, tatlong boards at dalawang assists, gayundin si Lenda Douanga na may anim buhat  sa kanyang  siyam na puntos sa huling kanto, kaagapay ang pitong rebounds.

 

Ang talo ng Red Warriors ang naghatid sa kanilang 1-2 kartada sa standings, na pinamunuan ni Luis Villegas sa kanyang 15 points, siyam na rebounds, dalawang assists, at dalawang nakaw , habang si CJ Payawal ay tumuhog  ng  12 points sa 4-of-7 shooting mula sa kanilang kabiguan.

(Louis Pangilinan/UAAP)