Pinay booters umukit ng kasaysayan: Entra sa FIFA Women's World Cup

Pinay booters umukit ng kasaysayan: Entra sa FIFA Women's World Cup

Naging reyalidad ang minsa'y isang pangarap lamang matapos na umentra sa prestihiyosong FIFA Women’s World Cup ang Filipina national women’s football team sa bisa ng makasaysayang 4-3 panalo kontra Taiwan kaakibat ang dramatikong penalty shootout Linggo sa quarterfinals ng AFC Women’s Asian Cup.

Nakasilip sa kabiguan sa makalaglag pulsong shootout, pursigidong buhay ang loob ni keeper Olivia McDaniel kaagapay ang kambal na crucial saves bago siniguro ni Sarina Bolden ang goal diretso sa pagtungkab ng makasaysayang naabot ng Pinay booters sa Pune, India.

Ang puno ng emosyong eksena ay nasaksihan ng ilang piling indibidwal sa loob ng Shiv Chhatrapati Sports Complex dagdag ang libong nakatutok makaraan ang hatinggabing sumusubaybay na apisyonados sa Pinas kung saan para kay coach Alen Stajcic ay natamo ang tagumpay na hindi nagawa ng iba pang tropa ng bansa sa mga nakalipas na hostilidad.

Walang national football squad — men’s, women’s o maging sa lebel ng kabataan ang abutin ang halos hanggang isang pangarap na lamang na goal bagupaman itong tropa ng manlalaro na nagpakitang gilas sa continental tournament.

Gayunman, kinailangan ng Filipinas ang todong pagsikhay kung saan ang regulasyon at extra time match ay nagwakas sa parehong 1-1.
Halos tangan na ang World Cup matapos na si Quinley Quezada, na nagmintis sa dalawang goals dulot ng COVID-19 protocols, ay sumipa sa opener sa 49th.

Pero ang left-footed strike ni Zhou Li-Ping sa 83rd, kung saan muntik pang mapalihis ni McDaniel, ay tumalbog sa hangin sa labas ng Philippine squad.

Lumilitaw na ang Pilipinas ay itatapon sa isang three-team repechage upang matukoy ang ikalimang at huling World Cup slot nang akuin ng Taiwan ang 3-2 lead makaraang sina Jessica Miclat at Hali Long ay salto sa kanilang pagtatangka.

Si Su Sin-Yun ay maaaring selyuhan ito para sa Taiwanese sa kanilang ikalimang attempts, ngunit madaling nakuha ni McDaniel ang mahinang shot sa kanyang gloves.

Nagtataka, si McDaniel ay nabigyan ng pagkakataon na palawigin ang shootout, na ginawa niya sa pamamagitan ng pag-convert ng sipa para sa isang 3-3 na bilang. Pagkatapos, bumalik siya sa likod ng goal at siniguro na hindi makakapuntos si Zhou sa pagkakataong ito. (LP/Tempo)