Wright naisalba ang Fuel Masters sa  endgame vs E-Painters, 78-77!

Wright naisalba ang Fuel Masters sa  endgame vs E-Painters, 78-77!

Wright naisalba ang Fuel Masters sa  endgame vs E-Painters, 78-77!
 
Hindi masipat ang target na karakter sa buong aksiyon, nakasilip si  Matthew Wright ng saktong pagkakataon para masindihan ang panalo. 
 
Winasiwas ni Wright ang malagkit na depensa ni  Gabe Norwood at ilansi ang  turn-around shot -tanging buslong nahablot sa laro,  may 2.6 segundo ang nalalabi para makaligtas ang  Phoenix Super LPG at hugutin ang  78-77 win laban sa  Rain or Shine sa PBA Philippine Cup sa DHVSU gym sa Bacolor, Pampanga, Huwebes. 
 
"Matthew will win games for us and Matthew will lose games for us. No matter what, he'll take the shot," banggit ni Phoenix coach Topex Robinson.
 
Ang Rain or Shine, na siyang nagdikta sa halos kabuuan ng giyera at pinisak pa ang 17 ungos, ay may tratado pa sanang maisalang ang laro sa overtime, pero nagmintis ang huling dalawang krusyal na freethrows may  1.0 segundo na lang. 
 
Naitakas ng Fuel Masters ang unang panalo sa kanilang huling tatlong asignatura at ikalawa sa anim na kabuang paglalaro. 
Samantalang ang Elasto Painters, ay laglag sa  4-3.(LP/PBA)
 
Photo Courtesy : PBA.PH 
 
The scores:
 
Phoenix 78 - Perkins 18, Garcia 18, Banchero 14, Melecio 6, Pascual 5, Jazul 5, Muyang 4, Wright 4, Demusis 3, Manuel 1, Faundo 0, Calisaan 0, Napoles 0, Chua 0, Rios 0.
 
ROS 77 - Mocon 17, Belga 17, Torres 12, Santillan 8, Wong 6, Johnson 5, Guinto 4, Norwood 3, Asistio 3, Caracut 2, Nambatac 0, Tolentino 0, Ponferada 0, Borboran 0, Yap 0.
 
Quarters:15-24, 35-43, 55-67, 78-77