Sinandalan ng TnT Katropa ang malaking ratsada sa ikatlong kanto para kabigin ang Game 3 at iiskor ang 101-97 panalo kontra Meralco at isang hakbang na lang na abutin ang kampeonato sa PBA Governors Cup Huwebes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Binigyan-parangal ng Philippine Basketball Association (PBA) ang Gilas Pilipinas team na namentina ang basketball gold medal sa nakalipas na 30th Southeast Asian Games sa bansa.
Ginapas ng Barangay Ginebra ang kanilang pagka-agresibo para tibagin ang 113-88 panalo sa Game Two at pagrolyo ng 132-105 victory para igapos ang 2-1 lead kontra NorthPort sa PBA Governors Cup best-of-five semifinal showdown Miyerkoles sa Smart Araneta Coliseum. Swabe sa puntusan ang Batang Pier ngunit higit na asintado ang Gin Kings tungo sa pagdikta ng laro matapos ang kanilang 90-124 kabiguan sa pagsisimula ng serye.
May malaking misyon si KJ McDaniels para sa KaTropa at hindi nya 'to binigo.
Iniatang ng dating Houston Rocket sa kanyang balikat ang TNT para igapos ang 103-94 panalo laban sa Meralco Linggo sa simula ng kanilang PBA Governors Cup quarterfinals serye sa Big Dome.
Ipinagdiinan ni Meralco coach Norman Black ang kahalagahan ng depensiba sa pagpatumba ng second-seeded Bolts kontra sister team TNT KaTropa sa PBA Governors' Cup semis.
Ang pagpupumiglas ni Allen Durham ang nagsilbing pangbatak sa pagtipa ng triple-double para kabigin ng Bolts ang 114-94 panalo laban sa namutlang TNT KaTropa Martes para itabla ang kanilang PBA Governors Cup semifinal series sa tmSmart Araneta Coliseum.
Nagsilbing Mr. Ironmen sina Christian Standhardinger, Michael Qualls at Sean Anthony para sa NorthPort, na pawang lumaro ng ekstra oras at itumba ng Batang Pier ang NLEX Road Warriors sa matigtig na triple-overtime do-or-die actions para makausad sa PBA semifinals sa ikalawang pagkakataon sa kasaysayan ng kanilang prangkisa.
Si Standhardinger, Qualls at Anthony ay pawang may bultong iskor para dalhin ang NorthPort sa kanilang balikat matapos maisahan ang Road Warriors, 126-123, na nagmistulang wala nang puknat na bakbakan.