Isa na lang sa Ginebra, Meralco 'di susuko!
Sa game 4 nagawang maglaro ni Raymond Almazan sa Meralco Bolts. Rumesponde naman Barangay Ginebra Kings gamit ang kinagisnan nilang pamatay na laro.
Ginalingan ng Gin Kings ang kada kanto sa kanilang astig na atake sa gitna para hilahin ang 94-72 panalo at iposte ang 3-1 sa serye, o isa na lang para hamigin ng tropa ang PBA Governors' Cup crown sa Smart Araneta Coliseum, Miyerkules.