"ReliefAgad" para sa SAP beneficiaries ikinasa ng USAID-DSWD
Manila – Ang Estados Unidos, sa bisa ng U.S. Agency for International Development (USAID), sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ay pormal na inilunsad ang “ReliefAgad” web application nitong Mayo 14, puntiryang mapabilis ang pamamahagi ng financial assistance sa mga Pinoy na apektado ng COVID-19 pandemic.